Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Arsobispo Cruz, nalungkot sa mga naganap ngayong 2015

(GMT+08:00) 2015-12-28 18:54:34       CRI

Korte Suprema, naglabas ng Temporary Restraining Orders laban sa Comelec

INATASAN ng Korte Suprema sa pamamagitan ng dalawang temporary restraining orders ang Commission on Elections na nagkakansela sa certificate of candidacy ni Senador Grace Poe.

Saklaw ng dalawang TROs ang dalawang hiwalay na desisyon ng Comelec en banc na kumilala sa naunang mga desisyon ng First at Second divisions.

Kinansela ng First Division ang Certificate of Candidacy ni Poe sa mga tanong sa pagkatao at paninirahan sa bansa na inihain ni dating Senador Francisco Tatad, Dean Amado Valdez at Antonio Contreras.

Kinansela naman ng Second Division ng Commission on Elections ang Certificate of Candidacy ni Senador Poe sa petisyon ni Atty. Estrella Elamparo na nagsasabing hindi natugunan ng mambabatas ang constitutional requirement ng 10-year residency ng mga kandidato sa pagkapangulo.

Ayon sa TRO, inuutusan ng Korte Suprema ang Commission on Elections na huwag ipatupad ang mga resolusyon ng komisyunado hanggang walang anumang kakaibang kautusang magmumula sa hukuman.

Ayon kay Atty. Theodore Te, tagapagsalita ng Korte Suprema, nagmula ang mga kautusan kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno ayon sa rekomendasyon ng Member-in-Charge ayon sa mga regulasyon ng korte. Samantalang, inatasan ng Korte Suprema ang Comelec ng sampung araw na maglahad ng kanilang panig sa dalawang petisyon ni Senador Poe.

Hindi pinagsama-sama ang tatlong usapin kaya't magkakaroon ng oral argument sa darating na ika-19 ng Enero.

Maliban sa dalawang petisyong nagtatanong sa desisyon ng Comelec na angkakansela sa Certificate of Candidacy ni Grace Poe, isasalang din sa oral argument sa ika-19 ng Enero ang petisyon ni Rizalito David na humiling na baliktarin ang desisyon ng Senate Electoral Tribunal na nagpawalang saysay sa disqualitication case laban sa mambabatas.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>