|
||||||||
|
||
Ambassador Asif Ahmad, hindi nangangamba sa Pilipinas
AMBASSADOR AHMAD, WALANG PANGAMBA SA PILIPINAS. Sinabi ni British Ambassador to the Philippines Asif Ahmad na wala slang ginagawang kakaibang pagsusuri sa nagaganap sa bansa. Tanging mga dalubahasang Pilipino sa larangan ng seguridad ang kanilang pinagkukunan ng impormasyon. Hindi siya nangangamba sa mga inilalabas na balstang may mga tauten na ang ISIS sa Pilipinas. Nagpapapansin lamang umano ang mga grupong ito, dagdag pa ni Ambassador Ahmad. (Melo M. Acuna)
SINABI ni British Ambassador to the Philippines Asif Ahmad na wala silang sariling pagsusuri sa nagaganap sa Pilipinas at umaasa lamang sa pagtataya o assessment ng mga dalubhasang Filipino sa larangan ng seguridad.
Ito ang kanyang reaksyon sa tanong kung mayroon bang kakaibang payo para sa British nationals na nasa Pilipinas. Naniniwala siyang ang mga nagpapakilalang kaalyado ng mga nanggugulo sa Gitnang Silangan, sa Europa at maging sa Africa ay pawang nagpaparamdam lamang.
Ang nagaganap sa Pilipinas na may nagpapakilalang sila ang local counterpart ng Islamic State of Iraq and Syria ay maihahambing sa mga grupong nanawagang mapansin.
Sa pagkakaroon ng peace process, ani Ambassador Ahmad, ay masusugpo ang anumang kaguluhang mula sa mga nais maghasik ng lagim sapagkat ang mga isyung politikal ay natutugunan ng pamahalaan.
Samantala, umaasa rin si Ambassador Ahmad na malalagdaan na ang kasunduan o Defense Agreement sa pagitan ng Pilipinas at ng United Kingdom. May bisa ito ng limang taon at pagbabalik-aralan ang epekto sa paglipas ng bawat taon.
Bagama't hindi nakikita ni Ambassador na may posibillidad na makapag-sanay ang mga kawal ng kanyang bansa at ng Pilipinas, hindi niya nakikitang magkakaroon ng kasunduang maihahalintulad sa kontrobersyal na Enhanced Defense Cooperation Agreement tulad ng Estados Unidos.
Sa larangan ng kalakal, sinabi rin ni Ambassador Ahmad na masigla ang kalakalan sa pagkakaroon ng exports ng kanyang bansa sa Pilipinas noong 2013 na umabot sa £ 510 milyon samantalang ang binili ng kanyang bansa ay umabot sa £ 632 milyon.
Ang exports ng United Kingdom sa Pilipinas ay tumaas ng may 44% sa unang bahagi ng 2015. Kabilang sa nangunang ipinagbili ng United Kingdom sa Pilipinas ang electrical machinery, pharmaceuticals, industrial machinery at equipment, road vehicles at iba pang transport equipment, povery generating machinery at professional service.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |