|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Paglilimbag ng balota, itinakda sa ikawalo ng Pebrero
HINDI itutuloy ng Commission on Elections ang balak nitong mag-imprenta ng mga balota sa darating na Lunes, unang araw ng Pebrero. Sa halip, gagawin na lamang ito sa susunod na Lunes, ikawalo sa buwan ng Pebrero.
Ayon sa lumabas na balita, umaasa ang Commission on Elections na matatapos ang paglilimbag ng mga balota sa darating na ika-25 ng Abril. Naunang hiniling ni Senate President Drilon sa COMELEC na huwag munang mag-imprenta ng balita hanggang hindi tapos ang disqualification cases na nakabimbin sa Korte Suprema.
Ang paglilimbag ng mga balota ng walang kaukulang desisyon sa Korte Suprema ay magiging kawalan ng paggalang sa hukuman, dagdag pa ng senador.
Kahit pa nahaharap sa disqualification cases sina Mayor Rodrigo Duterte at Senador Grace Poe ay isinama pa sa initial list ng Comelec na inilabas noong nakalipas na linggo.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |