|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Walang sinumang hihigit sa batas, sabi ni Senador Drilon
NILIWANAG ni Senate President Franklin M. Drilon na walang sinumang hihigit pa sa batas, maging mga mambabatas na nagpapanday ng batas. Nararapat lamang nilang igalang ang mga itinatadhana nito.
Ito ang kanyang reaksyon matapos lumabas ang balitang gagamitin ang audio recording sa Mamasapano. Saklaw ito ng Republic Act 4200 o Anti-Wiretapping Act.
Hindi kailanman mangingbabaw ang Senado sa batas. Maliwanag ang batas kaya't hindi nararapat gamitan ng maling interpretasyon.
Bilang isang abogado at dating kalihim ng Kagawaran ng Katarungan, sinabi ni Senador Drilon na mayroong Section 4 ng Republic Act 4200 na hindi magagamit ang anumang impormasyong natamo sa paglabag sa sa batas.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |