Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Secretary del Rosario, umaasang higit na gaganda ang relasyon ng Pilipinas sa Tsina

(GMT+08:00) 2016-02-11 16:59:58       CRI

SINABI ni Foreign Affairs Secretary Albert F. del Rosario na umaasa siyang higit na gaganda ang relasyong namamagitan sa Pilipinas at Tsina sa likod ng ilang 'di pagkakaunawaan sa isyu ng South China Sea.

Sa idinaos na open forum matapos ang kanyang pormal na pahayag, sinabi ni Secretary del Rosario na umaasa siyang mananatiling malapit ang Tsina at Pilipinas lalo pa't kasabay sa pinaniniwalaan ng mga Tsinong benepisyo ng Lunar New Year ngayong "Year of the Monkey" na kinabibilangan ng pagsasaayos ng mga relasyon.

Humarap si Foreign Affairs Secretary Albert F. Del Rosario sa mga mamamahayag na accredited ng Department of Foreign Affairs kanina.  Nagbitiw si Secretary del Rosario dahlia sa kanyang kalusugan.  Sa Question and Answer session, sinabi niyang umaasa siyang higit na gaganda ang relasyon ng Pilipinas at Tsina sapagkat higit sa isyu ng South China Sea ang pagkakaibigad ng dalawang bansa. (DFA Photos)

Nagpupunyagi ang Pilipinas, ani Secretary del Rosario na magkaroon ng tinaguriang "constructive relations" sa bansang Tsina, relasyong kapwa kapaki-pakinabang sa magkabilang-panig at umaasang higit na gaganda ang relasyon ng hindi malilimutan ang mga isyung nararapat malutas.

Ito rin ang pananaw ng Tsina na ang buong relasyon ng dalawang bansa ay 'di kailanman nakasalalay sa 'di pagkakaunawaan' sa isyu ng South China Sea.

Sinabi ni Secretary del Rosario na isang karangalan at magandang pagkakataon na nakapaglingkod siya sa pamahalaan bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs. Ipinaliwanag niyang sa liderato ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III, naipagpatuloy ng pamahalaan ang isang "independent, principled" at naaayos sa pagpapahalaga at paggalang sa batas.

Wala pa halos 36 na oras matapos siyang manumpa bilang kalihim, noong ika-24 ng Pebrero 2011, nakarating na siya sa Tripoli upang ilikas ang may 400 mga Filipino sa magulong bansa at nadala tungo sa hangganan ng Libya at Tunisia.

Nakadalaw din siya ng ilang ulit sa Syria, Yemen, Iraq at Egypt sa paglilikas ng may 24,000 mga Filipino sa mga bansang napagitna sa kaguluhan.

Ani Secretary del Rosario, nakatulong din sila sa may 80,000 mga Filipino sa iba't ibang bansa at maging sa kanilang mga pamilya mula 2011 hanggang 2015.

Sumigla rin ang kalakalan sa pamamagitan ng may 84 na diplomatic posts kaya't gumanda ang Philippine trade, investments, tourism at overseas development assistance (ODA). Napalakas ang kakayahan ng kagawaran sa larangan ng economic security, nakatulong sa pagkakaroon ng mga hanapbuhay at nakatulong din sa pagbabawas ng kahirapan. Nagkaroon din ng may 205 economic agreements na sumaklaw sa paggawa, kalakal, edukasyon, turismo at air services. Nagkaroon ng apat na rounds of negotiations at umaasang magtatapos ang Philippines-Europe Free Trade Association Free Trade Agreement.

Sa pagtatapos ng kanyang panunungkulan sa Lunes, ika-pito ng Marcos, umaasa siyang makababalik sa pribadong sektor, gumugol ng mas mahabang panahon sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang mga minamahal na apo at magpupunyaging manatiling malusog.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>