|
||||||||
|
||
Manufacturing sector, lumago noong Disyembre
PATULOY na lumago ang manufacturing sector noong nakalipas na Disyembre sa pagsigla ng construction kasabay ng pagbaba ng presyo ng gasolina. Ito ang ibinalita ng National Economic and Development Authority.
Ayon sa buwanang pagsusuri ng ilang mga piling industriya na ginawa ng Philippine Statistics Authority, lumago ang Volume of Production Index ng may 4.9% mula sa 4.4% noong Nobyembre kasabay ng pagbaba ng Value of Production Index ng may 2.6%.
Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Emmanuel F. Esguerra, kailangang matulungan ang manufacturing sector na makamtan ang kakayahan nito sa paggawa at pagpapalakas ng iba't ibang production sectors upang magkaroon din ng mas maraming mga manggagawa.
Sa larangan ng consumer goods, ang mga inumin ay lumago sa pagkakaroon ng 12% growth sa volume of production at 15.2% growth sa value of production at natriple ang nakamtan noong Nobyembre.
Sa kabilang dako, ang pagbaba ng food subsector ang bumagal sa larangan g production volume na kinatagpuan ng pagbaba ng 1.3% at production value sa pamamagitan ng 2.7% dahilan sa tag-init na dulot ng El Nino sa ikalawang bahagi ng 2015.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |