|
||||||||
|
||
20160215 Melo Acuna
|
MAKAKAHARAP ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang mga pinuno ng tatlong malalaking kumpanya sa kanyang working visit bukas.
Ayon sa pahayag ng Malacanang, mayroon siyang working visit sa Los Angeles mula bukas hanggang sa Miyerkoles kasunod ng kanyang paglahok sa special summit na binuo ni Pangulong Barack Obama sa mga pinuno ng ASEAN sa Sunnylands.
Makakaharap niya ang mga pinuno ng Walt Disney International Western Digital Corporation at Enterprise Growth Solutions ng AECOM.
Makakaharap niya si Andy Bird, chairman ng Walt Disney International hinggil sa investment policies at nagaganat sa creative sector sa game development at animation.
Ayon kay Philippine Ambassador to Washington Jose Cuisia, Jr., magpapalitan sila ng pananaw kung paano masusuportahang lumago ang industriya. Paguusapan nina Pangulong Aquino at Stephen Milligan ng Western Digital Corporation ang pagpapalawak ng kanilang operasyon sa Pilipinas. May planta na sila sa Laguna na may higit sa 10,000 mga kawani.
Idinagdag pa ni Ambassador Cuisia na pag-uusapan naman nina Pangulong Aquino at Michael Donnelly ng Enterprise Growth Solutions ng AECOM ang pagpapalawak ng kanilang operasyon sa bansa.
Makakausap din ni Pangulong Aquino ang Filipino-American community sa darating na Miyerkoles.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |