|
||||||||
|
||
Over-reaction ang pahayag ni Secretary Janette Garin
SOBRA ang naging tugon ni Health Secretary Janette Garin sa Zika virus na nauwi sa panawagan sa kababaihan na huwag munang magbuntis ngayong taon dahil sa peligrong idudulot ng Zika virus.
Sa isang panayam sa isang himpilan ng radyo, sinabi ni Dr. Garin na sa susunod na taon na lamang magbuntis ang kababaihan sa oras na mabatid na nila ang iba pang detalyes ng Zika virus.
Para kay Arsobispo Oscar V. Cruz wala na sa kakayahan ni Secretary Garin ang pagsasabi ng ganoon. Wala sa kanyang trabaho na magsasabi kung kalian magbubuntis o hindi ang isang tao.
Samantala, sinabi naman ni Malaybalay Bishop Jose Cabantan, kailangang masugpo ang zika virus sa pinagmulan nito upang huwag magkaroon ng sobrang reaction tulad ng sinabi ng health secretary sa panayam sa media.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |