|
||||||||
|
||
Utang ng pamahalaan, papasanin ng taongbayan
SINABI ng grupong Freedom from Debt Coalition na mula sa P 214.5 bilyon nakatakdang ibayad sa pagkakautang sa iba't ibang nagpautang, may P 3.7 bilyon ang matutungo sa interes at kabayaran sa kaduda-dudang pagkakautang at hindi legal na utang.
Ayon sa isang pahayag, ang malaking halagang ito ay nararapat magastos sa social protection programs tulad ng edukasyon, kalusugan at pabahay na saklaw lamang ng limang programa at proyektong nadiskubre ng FDC na hindi napakinabangan ng mga mamamayan.
Sinabi ni G. Eric Tadem, pangulo ng FDC, mas maraming madidiskubreng kaduda-dudang mga pautang na pinasok ng pamahalaan.
Ang mga illegal na utang ay mula sa loan-funded programs na lumabag sa prinsipyo ng karapatang pangtao at pagpapatupad at pagpapaunlad ng kabuhayan, katarungan at pagiging patas at iba pang sumasagisag sa demokrasya.
Ang mga proyektong ito ang Power Sector Development Program, Sixth Road (Tullahan), Pampanga Development Flood Control, Bohol Irrigation II at Angat Water Supply Optimization.
Ayon sa FDC, ang mga proyektong ito ay kinatatampukan ng katiwalian, pinalaking halaga, paglabag sa mga prosesong legal, kakulangan ng konsultasyon sa mga mamamayan at ginamit na kondisyon para sa pagsasapribado ng public utilities tulad ng kuryente at tubig.
Sa limang ito, ang pinakamalala ay ang US$750 milyong ipinautang sa Power Sector Development Program ng Asian Development Bank at ng Japan Export-Import Bank.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |