Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Sektor ng Pagsasaka, kailangang pasiglahin

(GMT+08:00) 2016-03-07 18:34:27       CRI

NARARAPAT bigyang pansin ng sinumang mauupo bilang pangulo ng bansa sa darating na unang araw ng Hulyo ng taong ito ang sektor ng pagsasaka upang umangat ang buhay ng mga mamamayan sa kanayunan.

HALOS NATAMO NA ANG RICE SELF-SUFFICIENCY.  Ito ang sinabi ni Dr. Santiago Obien,(gitna) kinatawan ni Agriculture Secretary Proceso J. Alcala sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat kanina.  Umabot na umano sa 96% ang rice self-sufficiency ng bansa kung hindi laming tinamaan ng mga sama ng panahon.  (Melo M. Acuna) 

Ayon kay Dr. Santiago Obien, dating director ng Philippine Rice Research Institute na halos nakamtan na ng Pilipinas ang 100% ng rice self-sufficiency noong nakalipas na taon mula sa 86% noong taong 2010. Ipinaliwanag ni Dr. Obien na kinatawan ni Agriculture Secretary Proceso J. Alcala, na kung hindi tumama ang magkakasunod na bagyo noong mga nakalipas na taon ay madaling matamo ang 100% rice self-sufficiency na programa ng pamahalaan.

Sa tanong kung bakit kailangang mag-angkat ng bigas mula sa Thailand at Vietnam, sinabi ni Dr. Obien na bahagi ito ng may 800 milyong metriko-toneladang bigas na kailangang angkatin sa ilalim ng Minimum Access Volume (MAV) bilang pangako sa mga kasunduan sa iba't ibang multi-laterals.

Sinabi naman ni Dr. William Dar, dating Agriculture secretary noong panahon ni Pangulong Joseph Estrada na mali ang pagbasa ng pamahalaan sa datos sapagkat kulang ang investments na inilalaan para sa sektor ng pagsasaka. Kulang ang salaping panustos sa mga programang magpapasigla at magbibigay-buhay sa mga magsasaka.

Isa sa bawat tatlong Filipino ang nabubuhay sa sektor ng pagsasaka na nangangahulugang may 11.8 milyong mga mamamayan ang sangkot sa pagsasaka. May 40% ng mahihirap sa bansa ang mula sa kanayunan. May potensyal ang sektor ng pagsasaka sa ay matatamo sa 25% may sampu hanggang 20 taon na ang nakakalipas samantalang noong nakalipas na taon ay 10% lamang ang nakasama sa ekonomiya. Bigo ang sektor ng pagsasaka at maitutuwid ito sa pamamagitan ng inclusive agriculture program na nararapat nakasalalay sa mga pagsusuri sa makabagong teknolohiya.

Kailangang maging matatag ang sektor ng pagsasaka dahil sa climate change, dagdag ni dating Kalihim Dar. Ang problema ay kung sino lamang ang kilala ng mga taga-Department of Agriculture ay sila lamang ang nakatatanggap ng biyaya. Kung magkakaroon lamang ng tamang estratehiya ang Department of Agriculture at nararapat bigyang pansin ang mga magsasaka at mangingisda. Dapat mayroon ding kakayahang gumamit ng makabagong teknolohiya upang tumaas ang productivity. Resilient agriculture ang kailangan sapagkat narito na ang pagbabagong dulot ng climate change. Sahod ulan ang kailangan at may 2,300 mm na ulan ang bumubuhos sa bansa bawat taon at kakaunti lamang ang napakikinabangan ng mga mamamayan.

MGA KABATAAN, NARARAPAT PAALALAHANANG MARANGAL ANG MAGSAKA.  Sinabi ni Bb. Bernadette delos Santos, isang matagumpay na mangangalakal sa larangan ng pagsasaka na kailangang maikintal sa kaisipan ng mga kabataan ang karangalan sa pagsasaka lalo pa't nababawasan na ang biläng ng mga nagsasaka.   Na sa gawing kanan si dating Transport Undersecretary Alberto Suansing.  (Melo M. Acuna) 

Para kay Bb. Bernadette delos Santos, isinusulong niya ang pagkakaroon ng GAP-farms o Good Agricultural Practices Farms. Nagkataon na tanging ang kanyang sakahan lamang sa Bicol ang kaisa-isang GAP farm na 'di tulad ng mga sakahan sa Thailand at iba pang mga bansa. Hindi lamang access sa teknolohiya ang kailangan, subalit kailangang maging bukas ang kaisipan ng mga magsasaka sa paggamit ng teknolohiya.

Mayroong kakulangan ng organic inputs para sa organic farms at walang matagpuan sa Sariaya at Tayabas sa Quezon Province, dagdag pa ni Bb. Delos Santos.

PONDO ANG KAILANGAN.  Binigyang-diin ni dating Congressman Rafael Mariano (dulling kaliwa) na kailangang gamitin ang pondong inilaan ng pamahalaan sa pagsasaka at hindi sa pagdedeklara ng savings.  Hindi umano biro ang laki ng slapping inslaan subglit hindi napakinabangan.  Nasa larawan din si dating Agriculture Secretary William Dar at si Dr. Santiago Obien, dating director ng Philippine Rice Research Institute.  (Melo M. Acuna)

Nakagugulat na sinabi ni dating Congressman Rafael Mariano na sangkaterbang salapi ang hindi nagastos na maayos kahit pa naipasa na ng Kongreso ang salaping nakalaan para sa pagawaing-bayan sa mga lalawigan.

Ipinaliwanag ni dating Transport Undersecretary Alberto Suansing na nagbabago ang halaga ng pagkakarga ng mga pagkain mula sa mga lalawigan tungo sa mga pook tulad ng Metro Manila. Idinagdag naman ni dating Congressman Mariano na sa oras na bumaba ang presyo ng kamatis at kalabasa, ipinamamahingi na lamang nila sapagkat hindi sila nakapagpepresyo ay naiimpluensya na ng mga malalaking komprador. Sa oras na dumagsa ang presyo ng mga sibuyas at bawang ibinabagsak pa ng mga negosyante ang presyo sa pamilihan.

Hindi pa man 'ika naghihiwa ng sibuyas ay naluluha na ang mga magsasakang nagtatanim nito.

Mariing itinanggi ni Congressman Mariano na kailanman ay 'di nakasama ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas sa mga nag-aangkat ng mga produktong sakahan 'di tulad ng ibang mga samahan ng mga manggagawang bukid.

Naniniwala si Engr. Suansing na kailangang isama sa programa ng kung sino mang mahahalal na pangulo ang pagkakaroon ng mas maayos na farm-to-market roads at ayusin ang mga paraan ng transportasyon tulad ng pagbuhay sa daang bakal at pag-aayos ng mga daungan.

Sinabi naman ni Bb. Delos Santos na mahalagang maikintal sa isipan ng mga kabataan na isang magandang propesyon ang pagtatanim at pag-aalaga ng hayop. Nababawasan na kasi ang bilang ng mga magsasaka at mangingisda sa Pilipinas.

Para kay Dr. Dar, hindi nararapat tumigil ang pamahalaan sa pagpapatubig sapagkat mayroon pang nalalabing 1.3 milyong ektaryang lupain na malalagyan pa ng patubig upang higit na mapakinabangan ng mga magsasaka sa kanayunan at maibsan ang kahirapan. Maisasaayos din ang teknolohiya para sa mga sakahang sahod-ulan. Kailangan din ang pagkakaroon ng sustainable land management at pagmamapa ng mga lupaing malulusog at nangangailangan ng pataba. Magagamit na rin ang hybrid rice at hybrid corn.

Para kay G. Mariano, kailangang magamit ang pondo ayon sa pagkakalaan nito segun sa General Appropriations Act at hindi kailangang maimbak lamang ang salapi sa Department of Budget and Management.

Sinabi naman ni Dr. Obien na marahil ay matutugunan ng pamahalaan ang pangangailangan sa pagkain kung susuriin din ang paraan upang matugunan ang lumalaking populasyon ng bansa.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>