|
||||||||
|
||
Mga mahistradong pumabor kay Senador Grace Poe, sinusugan ang 1935 Constitution
ANG mga mahistradong nagdeklara kay Senador Grace Poe na kwalipikadong tumakbo para sa darating na halalan ang sumusog sa 1935 Constitution na wala sa poder ng Korte Suprema. Ito ang sinabi ni Associate Justice Teresita Leonardo de Castro.
Sa kanyang 47-pahinang dissenting opinion, sinabi ni Gng. de Castro na ang Saligang Batas noong 1935 na siyang ipinatutupad noong matagpuan si Senador Poe noong 1968 sa isang simbahan sa Jaro, Iloilo ay walang binabanggit sa mga natagpuang sanggol na kabilang sa mga kinikilalang mga mamamayan ng Pilipinas.
Sa pagdedeklara kay Senador Poe na isang natural-born Filipino citizen, sinabi ni Gng. de Castro na ang kanyang mga kapawa mahistrado ay nagdagdag ng isa pang kategorya sa mga napapaloob sa ilalim ng Section 1, Article IV ng 1935 Constitution.
Ipinaliwanag ni Gng. de Castro na ang pagsusog sa Saligang Batas sa ginawang judicial opinion ng pitong mahistrado ay nakasalalay lamang sa extralegal grounds at maling pagbasa ng saligang batas na magkakaroon ng 'di mawaring matinding epekto sa constitutional, legal system at national interest.
Tulad ng sinabi ni Associate Justice Mariano Del Castillo, sinabi ni Gng. De Castro na ang desisyon ng Korte Suprema ay magbubukas ng mga dahilan sa mga hindi Filipino na gamitin sa maling paraan ang desisyon sa mga natagpuan mga sanggol na makatakbo para sa public office.
Makasasama, ani Gng. de Castro ang desisyon sa national interest at seguridad.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |