Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tatlong magsasaka ang nasawi, maraming sugatan sa Kidapawan

(GMT+08:00) 2016-04-02 18:00:36       CRI

MGA LARAWANG KUHA SA KIDAPAWAN COTABATO.  Makikita sa iba't ibang larawan ang mga pulis at mga magsasakang nagkasagupa sa Davao-Cotabato Highway sa Kidapawan City Biyernes ng umaga.  Tatlong magsasaka ang nasawi samantalang may 87 umanong nawawala anon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas-Southern Mindanao chapter.  (BAYAN Photos)

NAGING madugo ang mga pangyayari sa Kidapawan, North Cotabato sa pagbuwag ng mga pulis sa mga magsasakang nagbarikada sa lansangan sa pagitan ng Cotabato at Davao Cities.

Ayon kay Pedro Arnado, pinuno ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas sa Katimugang Mindanao, tatlo na ang nasawi samantalang may 87 ang nawawala sa diumano'y pagpapaputok ng mga pulis laban sa mga nagpoprotestang magsasaka ng North Cotabato.

MGA LARAWANG KUHA SA KIDAPAWAN COTABATO.  Makikita sa iba't ibang larawan ang mga pulis at mga magsasakang nagkasagupa sa Davao-Cotabato Highway sa Kidapawan City Biyernes ng umaga.  Tatlong magsasaka ang nasawi samantalang may 87 umanong nawawala anon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas-Southern Mindanao chapter.  (BAYAN Photos)

Kinilala ni Arnado ang mga nasawi na sina Rotello Daelto ng Barangay Binoongan, Arakan, North Cotabato at kasapi ng Arakan Peasant Progressive Organization (APPO), Victor Lumandang ng Barangay Alobayon, Magpet, kasapi ng Apo Sandawa Lumadnong Paghuisa (ASLPC) at isang Enrico Pabrica, 30 taong gulang ng Kidapawan City.

Sa mensaheng ipinadala ni Arnado sa mga mamamahayag, inaalam pa nila ang balitang may dalawang babae ang nasawi sa insidente.

May 87 mga magsasabi na kinabibilangan ng anim na bata ang nawawala ayon sa Children's Rehabilitation Center na tumutulong sa mga magsasakang nagkukubli sa United Methodist Church.

Pinagbabawalan umano ng pulis at mga kawal ang search teams na binubuo ng mga alagad ng simbahan at mga NGO na maghahanap sa mga nawawalang magsasaka na makalabas ng kapilya ng mga Metodista.

May mga balitang dinakip ng mga pulis ang mga magsasaka sa dispersal operations at dinala ang mga kabataan sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development.

Walang kuryente sa bakuran ng Methodist Church na pinagkakanlungan ng may 5,000 magsasaka. Napaliligiran ang bakuran ng mga kawal at pulis at hindi umano makakatulog ang mga nagkakanlong sa kapilya.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>