|
||||||||
|
||
Pulisya, inaalam ang buong detalyes ng insidente
INIIPON ng Philippine National Police ang lahat ng detalyes sa naganap sa Cotabato-Davao highway sa Kidapawan City. Ito ang sinabi ni CSupt. Wilben Mayor, tagapagsalita ng Philippine National Police sa isang pahayag na ipinadala sa CBCP News.
Kailangan umano ang kailangan ang lahat ng detalyes upang mabatid ang tunay na larawan.
Dalawa umano sa kanilang mga tuhan ang nasa malubhang kalagaytan dahilan sa matinding sugat na tinamo sa ulo sa pambabato ng mga nagtitipong magsasaka.
Sinanay na uamano ang mga pulis kung paano tutugon sa mga mass action at palaging ipinatutupad ang maximum tolerance. Ang mga tauhang nasa Civil Disturbance Management ay karaniwang walang dalang sandata.
Ang iba pang mga opisyal na hindi kasama sa Civil Disturbance Management at autorisadong magdala ng sandata ay inatasang kilalanin ang kahalagahan ng maximum tolerance. Kung sakali mang magkaroon ng panganib, gagawin ng pulisya ang lahat upang mapanatili ang kaayusan at magkakaroon ng pagtugon sa situwasyon.
Tuloy pa ang pagsisiyasat ng PNP sa mga oras na ito, dagdag pa ni CSupt. Mayor. Papapanagutin ang lahat na mababatid na may kagagawan ng kaguluhan dagdag pa ng opisyal.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |