|
||||||||
|
||
20160418 Melo Acuna
|
NANINIWALA si Senador Francis Joseph Escudero, kandidato sa pagka-pangalawang pangulo ni Senador Grace Poe na nararapat makausap ang Tsina sa oras na maupo ang kanilang tambalan sa darating na administrasyon.
SENADOR ESCUDERO NAGSABING HANDA SILANG MAKIPAG-USAP SA TSINA. Naniniwala si Senador Francis Joseph G. Escudero na ang pakikipag-usap sa Tsina ay mahalaga sapagkat mas maraming pagkakahalintulad ang mga Tsino at Filipino. Isang pagkakamali ng Aquino Administration ang paniniwalang madaling matatapos ang problema sa South China Sea. Ito ang kanyang sinabi sa idinaos na FOCAP Forum kanina. Tuymatakbong kandidato sa parka-pangalawang pangulo si Senador Escudero kasama si Senador Grace Poe. (Melo M. Acuna)
Ipinaliwanag ni Senador Escudero ang kanyang pananaw sa idinaos na pakikipag-usap sa mga opisyal at kasapi ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) kanina sa Manila Diamond Hotel
Hindi lamang sa larangang legal makakausap ang Tsina sapagkat kabilang sa kanilang kinikilala ang pakikipag-usap sa pagitan ng dalawang bansa tulad ng back-chanelling upang maging maganda ang relasyon sa kalapit bansa.
Isang malaking pagkakamali ng Aquino Administrastion ang paniniwalang malulutas ang sigalot at 'di pagkakaunaawan sa bansang Tsina. Wala umano silang ilusyon na matatapos ang sigalot sa loob ng anim na taon o isang dekada. Ang mahalaga ay magkaroon ng magandang relasyon at mapanatili ang goodwill samantalang naghahanap ng solusyon.
Pag-iibayuhin din ang relasyong kultural, pang-ekonomika, at maging sa larangan ng politika sa labas ng isyung bumabalot sa South China Sea. Magagamit ang mga paraang Asiano upang mapatibay ang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Mas maraming halos magkahalintulad na pag-uugali ang mga Filipino at Tsino kaysa sa mga Americano at Filipino, dagdag pa ni Senador Escudero.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |