|
||||||||
|
||
Medical records dapat ibunyag
NANAWAGAN si Liberal Party standard bearer Manuel "MAR" Araneta Roxas II na makabubuting ihayag na ni Mayor Rodrigo Duterte ang kanyang medical records, partikular ang lumabas na pagsusuri sa takbo ng kanyang isip upang makapagdesisyon ng maayos ang mga mamamayan.
Makabubuting ilabas na ang mga ito upang malaman ng mga mamamayan ang pagkatao sa likod ng kandidatong kanilang napupusuan. Kung mayroon umanong psychological record, makabubuting mabatid na madla.
Sa isang media briefing sa Nueva Ecija, sinabi ng dating DILG secretary na walang nararapat itago ang mga kandidato sa mga botante. Kailangan umanong protektado ang mga botante sa kanilang pinagpipilian.
Inilabas ng ABS-CBN ang psychological report na isinumiting ebidensya sa annulment proceedings sa pagitan ni Duterte at ng kanyang dating maybahay na si Elizabeth Zimmerman. Ang report ay nagpakitang si Duterte ay mayroong anti-social narcissistic personality disorder na nakikita sa pagkakaroon ng gross indifference, insensitivity at manipulative behavior at may kakayahang manghiya at lumabag sa mga karapatan at pakiramdam ng mga mamamayan.
Tulad ni G. Roxas, hinamon na rin ni Vice President Binay si Duterte na sumailalim sa psychological tests.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |