|
||||||||
|
||
Pangangailangan ng salapi para sa mga proyekto tumaas
SA paglalahathala ng Asian Development Bank ng kanilang 2015 Annual Report, nabatid na patuloy na tumataas ang pangangailangan para sa salaping magagamit sa malalaking infrastructure at development projects sa Asia at Pacific. Hindi kinakitaan ng pagbagal ang mga pagpapagawa salagkat naghahanap ang mga pangrehiyong ekonomiya ng paraan upang matugunan ang economic growth, inequality at mahahalagang panganib mula sa kapaligiran.
Sa pagdiriwang ng ika-50 taon ng operasyon ngayong 2016, ang total operations sa nakalipas na taon ay umabot sa US$ 27.17 bilyon ang pinakamataas sa kasaysayan ng bangko.
Kasama rito ang US$ 16.29 bilyong approvals para sa mga pautang at grants, US$ 141 milyon sa ngalan ng technical assistance at US$ 10.74 bilyon para sa co-financing na tumaas ng may 16%. Ang salaping inilabas na mahalaga sa aid effectiveness ay umabot din sa US$ 12.22 bilyon na kinakitaan ng pagtaas ng may 22% kaysa noong 2014.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |