|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Davao Death Squad, kinondena
DAVAO DEATH SQUAD, MARAMING PINASLANG. Halos hindi makapanaiwala si Fr. Amado Picardal, CSSR, isang misyonero na hanggang noong Disyembre ay may mga pinaslang pa ang Davao Death Squad. Bahama't tumangging ihayag kung saan nagmula ang kanyang impormasyon, sinabi ng pari na may mga kasama sayang nagdodokumento ng mga crimen nagaganap sa Davao. Mataas din ang biläng ng mga napapaslang at nahahalay sa Davao rayon sa datos ng Philippine National Police, dagdag pa ni Fr. Picardal. (Photo:A. Dalan)

NAGIMBESTIGA KAMI. Ito naman ang sinabi ni dating Commission on Human Rights Chairperson Loretta Ann P. Rosales. Nakarating sa Ombudsman ang usapin subalit magaang hatol lamang ang iginawad sa mga pulis na nasangkot dahil sa kanilang kapabayaan. Walang direktang nagdawit kay Mayor Rodrigo Duterte na siya mismo ang nasa likod ng mga pagpaslang. Nangungunang kandidato sa pagka-pangulo si Mayor Duterte. (Photo: A. Dalan)
WALANG dahilan upang hindi dumanak ang dugo sa Metro Manila at mga nangungunang mga lungsod at bayan sa buong bansa sa oras na mahalal si Davao City Mayor Rodrigo Duterte bilang pangulo ng Pilipinas.
Ito ang sinabi ni Fr. Amado Picardal, dating tagapagsalita ng Coalition Against Summary Executions sa Davao City.
Sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat, sinabi ni Fr. Picardal na higit sa 1,400 katao na ang napaslang ng kinatatakutang Davao Death Squad mula noong 1998 hanggang 2015. Tanging mahihirap lamang ang nagiging biktima ng mga suwelduhang mamamatay tao o mga berdugo ng alkalde. Bagaman at walang direktang ebidensyang magtuturo na si Mayor Duterte ang na sa likod ng mga pagpaslang, itinuloy ng Commission on Human Rights ang pagsisiyasat.
Sa panig ni dating Commission on Human Rights Chairman Professor Loretta Ann Rosales, sinabi niyang itinuloy niya ang imbestigasyong ginawa ni dating chairperson Leila de Lima na ngayo'y kandidato sa pagkasenador.
Nakarating ang kanilang imbestigasyon sa Sandiganbayan subalit hanggang magagaan na administrative sanctions lamang ang nagawa ng mga mahistrado sa ilang mga pulis na nakasuhan. Niliwanag pa ni Prof. Rosales na walang anumang ebidensyang magtuturo na sangkot si Mayor Duterte sa krimen.
Nanawagan ang dalawang panauhin na mas makabubuting suriin ang mga nagaganap sa bansa sapagkat nagpapatuloy pa rin ang paggagalaw ng mga usapin sa Sandiganbayan sapagkat ginamit ni Mayor Duterte ang naunang kalakaran sa paglilitis na ang mga nagwaging kandidato ay 'di na maaaring kasuhan pa.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |