Mga opisyal ng pamahalaan at pulisya, kinasuhan sa Ombudsman
IPINAGSAKDAL ng mga magsasaka at mga katutubo sina Interior Secretary Mel Senen Sarmiento, Agriculture Secretary Proceso J. Alcala, North Cotabato Governor Emmylou Talino-Mendoza, Kidapawan Mayor Joseph Evangelista at mga opisyal ng iba't ibang pamahalaang lokal, mga tauhan ng pulisya at maging Sandatahang Lakas ng Pilipinas dahil sa madugong pagbuwag ng kanilang piket sa lansangan noong unang araw ng Abril.
Tatlong buwan umanong humiling ng tulong ang mga magsasaka sa pamahalaan subalit hindi pinansin kaya't nagbarikada na sila sa lansangan. Dalawang magsasaka ang nasawi samantalang higit sa 30 katao ang nasugatan sa pagbuwag ng barikada.
Higit sa 75 kataong nagprotesta ang kinasuhan, kabilang ang mga menor de edad, nagdadalang-tao at mga matatanda.
1 2 3 4