Higit sa 200,000 overseas Filipinos ang lumahok sa halalan
UMABOT sa halos 200,000 mga botante o 14% ng overseas Filipinos ang lumahok sa overseas absentee voting mula nang magsimula ito may dalawang linggo na ang nakalilipas.
Ayon sa Commission on Elections-Office for Overseas Voting, umabot sa 191,427 mga Filipinong na sa ibang bansa ang nakaboto. Ang bilang na ito ay 13.9% ng 1,376,067 mga Filipinong makakaboto.
Maaaring umabot pa ito sa 400,000 sa oras na sumapit ang ika-siyam ng Mayo.
Ayon kay Commissioner Arthur Lim, karamihan ng mga insidenteng naitala ng Board of Election Inspectors sa ibang bansa ang pagkuha ng "selfie photos" ng mga botante. Hindi pa nababatid kung saklaw ng Comelec resolutions ang mga pangyayaring nagaganap sa labas ng Pilipinas. Naitala ang selfies sa Dubai, Hong Kong, Vientiane, sa Madrid at maging sa Singapore.
Sa bilang ngayong taon, nahigitan ang 13.4% turnout noong 2010 at ang 7.12 overseas voters' turnout noong 2013 sa unang 18 araw ng botohan.
1 2 3 4