|
||||||||
|
||
160421melo.mp3
|
Philrem, kinasuhan ng Bureau of Internal Revenue
PINAGBABAYAD ng Bureau of Internal Revenue ang kontrobersyal na Philrem Service Corporation, ang kumpanyang sinasabing sangkot sa money laundering activities ng may US$ 81 milyon ninakaw mula sa Central Bank ng Bangladesh.
Pinagbabayad sila ng P 35.6 milyon sa kasong tax evasion ng BIR na nakabatid na 'di nagbayad ng buwis ang kumpanya sa nakalipas na sampung taon.
Sinabi ng BIR sa isang pahayag na ipinarating na nila ang reklamo sa Department of Justice laban sa kumpanyang pinamunuan ni Salud R. Bautista bilang pangulo at Michael S. Bautista bilang ingat-yamat sa hindi pagbabayad ng gross receipts tax kasabay ng hindi pagbabayad ng percentage tax returns na paglabag sa tax code.
Ayon sa pahayag ng BIR, nakarehistro ang Philrem bilang isang land transport operation not elsewhere classified. Sinusugan ng Philrem ang kanilang primary purpose sa Securities and Exchange Commission na magkakaroon ng remittances ng salapi mula sa ibang bansa. Kahit nabago ang primary purpose, hindi naman inayos ang kanilang registration sa BIR.
Nakarehistro rin sila sa Bangko Sentral ng Pilipinas bilang remittance agent mula 2005 hanggang ngayon. Bilang money remittance corporation at klasipikado ng BSP bilang non-banking financial institution at nararapat magbayad ng gross receipts. Ang mga non-banking financial institution ay kinabibilangan ng private remittance companies, money transfer operations o remittance agents. Ang Philrem ay nag-file ng value added tax return at nagbayad ang buwis sa halip na mag-file ng PTR at nagbayad ng 5% GRT, dagdag pa ng BIR.
Sa hindi pagpaparehistro at magdeklara at magbayad ng Gross Receipts Tax ng Philrem, kitang-kita umano ang pag-iwas ng pagbabayad ng buwis kaya't may karapatan ang BIR na kasuhan ang kumpanya.
Kasabay sa kanilang press release ang pagkakakakwenta ng mga nararapat bayaran ng Philrem sa pinakamadaling panahon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |