Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Diplomasya, mahalaga sa relasyon ng Tsina at Pilipinas

(GMT+08:00) 2016-07-13 18:58:21       CRI

KAILANGANG mag-usap ang Pilipinas at Tsina matapos lumabas ang desisyon ng Arbitral Tribunal sa The Hague kahapon. Bagama't hindi kinikilala ng Tsina ang desisyon, naniniwala ang mga nangungunang nagsusuri sa relasyon ng dalawang bansa na mas mabuting mag-usap sina Pangulong Rodrigo Duterte at Pangulo Xi Jinping sa pinakamadaling panahon.

MAHALAGA ANG PAPEL NG AMBASSADOR NG PILIPINAS SA TSINA.  Sinabi naman ni dating Senador Leticia Ramos-Shahani, dating chairperson ng Senate Foreign Relations Committee na kailangang marunong magsalita at umunawa ng Mandarin ang magiging ambassador ng Pilipinas sa Tsina.  (Melo M. Acuna)

Sa ikalawang edisyon ng Wednesday Roundtable @ Lido, sinabi ni dating Senador Leticia Ramos-Shahani, dating pinuno ng Senate Foreign Relations Committee at dating Ambassador sa Australia, kailangang ang magiging ambassador ng Pilipinas sa Tsina ay isang taong nakauunawa at nakapagsasalita ng Mandarin at nakababatid ng kultura ng maunlad na bansa.

Sumangayon siya sa pahayag ni Foreign Secretary Perfecto R. Yasay, Jr. na kailangang maging mahinahon at mapagkumbaba at magpanatili ng kagalang-galang na paninindigan sapagkat mahalaga ang pagkakaroon ng independent foreign policy. Kailangang matampok sa pag-uusap ang interes ng bansa at mga mamamayan.

HINDI BASTA MAKABABALIK ANG MGA MANGINGISDA SA SOUTH CHINA SEA.  Sinabi ni Prof. Jay Batongbacal na kahit pa pabor sa Pilipinas ang Permanent Court of Arbitration, kailangang mag-usap muna ang Pilipinas at Tsina sa mga isyung bumabalot sa paggamit ng likas na yaman.  (Melo M. Acuna)

Samantala, sa panig ni Atty. Jay Batongbacal, ang direktor ng University of the Philippines Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea, hindi niya inaasahan ang naging desisyon ng Arbitral Tribunal. Kahit pa kinilala ng Arbitral tribunal ang mga isyung inilahad ng Pilipinas, ang pinakamalaking hamon ay kung paano ito magiging kapaki-pakinabang para sa lahat.

KAHINAHUNAN, MAHALAGA SA DIPLOMASYA.  Sinabi naman ni Prof. Aileen Baviera ng Asian Center ng University of the Philippines na ang pagiging mahinahon ay mahalaga sa pagsusulong ng interes ng bansa at mga mamamayan.  (Melo M. Acuna)

Maliwanag na hindi kaagad makababalik ang mga mangingisda sa karagatan kahit pa naglabas na ng desisyon ang Arbitral Tribunal. Para kay Prof. Baviera, nakapangingisda na ang mga Filipino sa karagatan sa oras na magusap na ang Pilipinas at Tsina.

Binanggit naman ni Professor Aileen Baviera ng University of the Philippines Asian Center na kakaiba ang pananaw ng Tsina sa naging desisyon sapagkat ang pananaw ng ikalawa sa pinakamayamang bansa ang pinagkaisahan ng Estados Unidos, Pilipinas, Australia at Japan ang usapin kaya't pumanig ang Arbitral Tribunal sa posisyon ng Pilipinas.

Sa mga batikos na tinanggap ni Foreign Secretary Yasay sa kanyang pagbabasa ng pahayag kahapon, sinabi ni Prof. Baviera na pinaghandaan ang pahayag at angkop ang panawagang maging mahihanon at mapagkumbaba sa likod ng desisyon ng Arbitral Tribunal. May mga netizen sa Pilipinas na nagsabi na hindi akma ang paraan ng pagbabasa ni G. Yasay sapagkat nagwagi na ang Pilipinas.

KAKAIBA ANG PARAAN NI PANGULONG DUTERTE.  Ito naman ang sinabi ni De La Salle University Professor Richard J. Heydarian sapagkat tatlong ulit nang nakausap ni Pangulong Duterte si Chinese Ambassador Zhao Jianhua sa nakalipas na ilang linggo.  Naniniwala siyang magiging mahinahon ang pahayag ng Pilipinas sa susunod na linggo hinggil sa isyu ng South China Sea.  (Melo M. Acuna)

Nabanggit naman ni Professor Richard J. Heydarian ng De La Salle University na kung mananatili ang pagiging marahas ng Pilipinas sa mga pahayag nito tulad noong panahon ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III, walang anumang nakamtan ang bansa. Sa mga maaanghang na pahayag ni G. Aquino, nagparamdam ang Tsina sa pagtatayo at pagbuo ng mga pulo sa South China Sea.

Hindi rin mabatid ng madla kung hanggang saan tutulong ang Estados Unidos sa Pilipinas sa oras na magkaroon ng sigalot sa pagitan ng Tsina at Pilipinas.

Idinagdag pa ni G. Heydarian na kakaiba ang tinatahak na landas ni Pangulong Duterte sapagkat tatlong ulit na niyang nakausap si Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua mula nang dumalaw ang kinatawan ng Tsina sa Davao.

Ani G. Heydarian, si Ambassador Zhao ang sumunod na nakadaupang palad ng bagong pangulo. Nauna lamang sa kanya ang Japanese Ambassador to the Philippines Kazhuhide Ishikawa.

Ang pinakamahalaga ay kung anong uri ng pahayag ang ilalabas ng Duterte Administration sa susunod na linggo sapagkat humingi ng limang araw si Solicitor General Jose Calida upang pag-aralan ang desisyon. Idinagdag pa niyang may lima o anim na kalihim ng Duterte administration ang dumalaw na sa Beijing kamakailan.

Para kay Prof. Heydarian, ang mas mahalaga ay magharoon ng maingat at mahinahong pahayag upang magkaroon ng maayos na pag-uusap. Bagaman, sinabi ni G. Heydarian na nagpaparamdam ang mga Americano kung ano ang nararapat na paninindigan.

PAG-UUSAP NG PANGULO NG TSINA AT PILIPINAS, NAPAPANAHON.  Sinabi ni G. Chito Sta. Romana, dating ABC - Beijing Bureau Chief na mahalagang mag-usap sina Pangulong Xi Jinping at Rodrigo Duterte upang magkaroon ng kaunlaran sa relasyon ng dalawang bansa sa likod ng desisyon ng  Permanent Court of Arbitration sa petisyon ng Pilipinas.  (Melo M. Acuna)

Ayon kay Ginoong Chito Sta. Romana, may kanya-kanyang larangang nararapat harapin sina Pangulong Xi at Pangulong Duterte sapagkat mahalagang ipaliwanag ang detalyes ng mga nagaganap sa kani-kanilang bansa.

Sa pag-uusap ng magkabilang-panig, mababawasan ang tensyon sa rehiyon at mananatili ang kapayapaan, dagdag pa ni G. Sta. Romana.

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>