|
||||||||
|
||
Mga Pangunahing Sangkap
150 grams ng lean pork (o beef)
300-400 grams ng firm tofu
1 bell pepper
1 red chili pepper
Para sa Seasoning
Asin
Cornstarch
White sugar
Cooking wine
Soy sauce
Broad bean paste
Paraan ng Pagluluto
Hugasan ang lean pork at hiwain sa habang 2-3 centimeters at lapad na 1-2 centimeters tapos isalin sa isang plato. Hugasan ang tofu at hiwain nang pa-triangle. Ilagay din sa isang plato.
Tanggalin ang mga buto ng bell pepper at red chili pepper tapos hugasan at gayatin at ilagay din sa isang hiwalay na plato. Ibuhos ang soy sauce at cornstarch sa lean pork tapos haluing mabuti hanggang sa malagyan lahat ang karne.
Initin ang mantika sa kawali at ilagay isa-isa ang mga hiniwang tofu. Iprito sa mahinang apoy hanggang magkulay yellow ang magkabilang panig. Patayin ang apoy at ilagay ang iprinitong mga piraso ng tofu sa colander para tumulo ang mantika.
Painitin uli ang kawali at lagyan ng mas maraming mantika.
Ilagay ang broad bean paste at igisa sa loob ng 20 seconds hanggang lumutang ang bango. Idagdag ang marinated pork, soy sauce at cooking wine. Igisa hanggang ang karne ay maluto ng 80% at maging yellowish. Idagdag ang iprinitong tofu at igisa sa loob ng mga 1 minute. Idagdag ang ginayat na chili pepper at ituloy pa ang paggisa sa loob ng 1 minute. Idagdag ang asin at asukal at ituloy pa ang paggisa sa loob ng 30 seconds. Patayin ang apoy, isalin sa serving dish ang home-style tofu at ihain.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |