|
||||||||
|
||
Department of Justice, nagsimula ng imbestigasyon
SINIMULAN ng Department of Justice ang kanilang imbestigasyon laban sa limang general ng Philippine National Police na umano'y sangkot sa kalakal ng ilegal na droga.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, kumikilos na sila upang makakuha ng ebidensya laban sa mga sinasabing narco general.
Ang lima ay kinabibilangan nina retired Deputy Director General Marcelo Garbo, retired Chief Supt. at ngayo'y Daanbatayan, Cebu Mayor Vicente Loot, Police Director Joel Pagdilao, Chief Supts. Edgardo Tinio at Bernardo Diaz.
Magugunitang ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pangalan ng limang heneral sa kanyang talumpati.
Tumanggi ang mga heneral sa akusasyon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |