Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tatlong petisyon pinagsama-sama na ng Korte Suprema

(GMT+08:00) 2016-08-19 18:37:51       CRI

Tatlong petisyon pinagsama-sama na ng Korte Suprema

MGA BIKTIMA NG BATAS MILITAR, UMAASANG MAGWAWAGI. Sinabi ni dating Commission on Human Rights Chair Prof. Loretta Ann P. Rosales na sandigan ng kanilang argumento sa Korte Suprema ang Saligang Batas ng taong 1987. Hinihiling nilang pagbawalan ng Korte Suprema si Pangulong Duterte na ilibing ang labi ng dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani. (Melo M. Acuna)

PINAGSAMA-SAMA na ng Korte Suprema ang tatlong hiwalay na petisyong kontra sa paglilibing sa labi ni dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Inatasan din ng Korte Suprema ang pangalawa at pangatlong grupo ng mga nagpetisyon na bigyan ng sipi ng kanilang mga petisyon ang mga kinatawan ng pamahalaan at pamilya Marcos pagsapit ng ika-apat ng hapon kanina.

Binigyan ng Korte Suprema ang pamahalaan ng hanggang ika-sampu ng umaga sa Lunes upang tumugon sa tatlong petisyon. Magkakaroon din ng preliminary conference sa mga isyung pag-uusapan sa oral arguments sa Miyerkoles, ika-24 ng Agosto. Gaganapin ang premilinary conference sa Lunes ng hapon.

Unang laman ng deriktiba sa pamahalaan na sagutin ang petisyon na ipinarating noong Lunes nina dating Congressman Satur Ocampo at Neri Colmenares at mga kasapi ng Campaign Against the Return of the Marcoses to Malacanang o CARMMA at Samahan ng Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto (SELDA).

Nagpetisyon din ang mga kasapi ng Families of Victims of Involuntary Disapperance o FIND sa pamumuno ni Congressman Edcel C. lagman, Teddy Brawner Baguilat, Jr. Tomasito S. Villarin, Edgard Erice at Emmanuel A. Billones.

Kaninang umaga, pinamunuan naman ni dating Commission on Human Rights Chair Loretta Ann P. Rosales ang mga kapwa biktima ng batas militar na kanilang sa Coalition Against Marcos Burial ang pagpaparating ng ikatlong petisyon.

Ang mga sasagot sa panig ng pamahalaan ay sina Executive Secretary Salvador S. Medialdea, Defense Secretary Delfin N. Lorenzana, AFP Chief of Staff General Ricardo R. Visaya, AFP Deputy Chief of Staff Rear Admiral Ernesto Enriquez at Philippine Veterans Affairs Office chief Lt. General Ernesto G. Carolina.

Ang mga Marcos ay magkakaroon din ng mga kinatawan sa pamamagitan ni dating First Lady at ngayo'y Ilocos Norte Second District Congresswoman Imelda Romualdez Marcos.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>