|
||||||||
|
||
20160824Ramon.mp3
|
August 21, 2016 (Sunday)
Quote for the Day:
"A happy marriage is the union of two good forgivers." --Ruth Bell Graham
Opening Reminder:
Pagkagising natin sa umaga, ang unang-unang dapat nating gawin ay pasalamatan si Lord sa panibagong araw at sa lahat ng mga biyayang ipinagkakaloob niya sa atin araw-araw. Ugaliin nating makipag-communicate kay Lord para manatili tayo sa tuwid na landas.
Mga Piling Mensahe:
Vilma (Kalayaan Avenue, Makati City): "Mga factory sa loob at labas ng Metro Manila. Mga sasakyan nagbubuga ng maitim na usok.
Hindi na tayo natuto. Ang kapalit niya, matinding init kung summer at malalim na baha kung tag-ulan. Sige-sige lang tayo. Ano, bahala na si Batman?"
Ingrid (Shunyi, Beijing, China): "Dapat may isang tao sa gobyerno na mag-i-intervene para pag-ayusin si Senator Leila de Lima at President Duterte. Di-maganda kung may personal na alitan ang dalawa. Makakaapekto iyan sa takbo ng ating gobyerno. Ang namamagitan sa kanila ay talagang personal na, eh."
Opening Song:
Superstar by Carpenters
Ilang Text Messages:
Jing (San Fernando, Pampanga): "Mganda cmula ng pag-uusap ng grupo ni ex-President Ramos at Chinese officials sa Hong Kong. Sna magtuluy2 na. Mahalaga tlaga communication between Phl.@ China.
Connie (Changping, Beijing, China): "tngin q d na kelangan death Sentence. yung life w/out parol prang death sentence n rin. bsta higpitan lng nla palakad sa mga kulungan."
Carmina (Imus, Cavite): "drug free phls? malau pa tau dun pero possible nman . tulung2 lang mga kabayan. 'lang mangya2ri sa Pagkakanya2. mala2 kaso ng drugs d2 satin.
Carla (Puerto Princesa, Palawan): "I-emphasize sana s mga iskul natin ang good manners and right conduct at discipline. Marami nang nagi2ng barbaro s mga kabataan ntin. Matalinu kung sa matalinu, kasu nga, barbaro.
Odeth (Barangay San Antonio, Pasig): "Kung gustu natin ng tunay na pagbabagu, makipag-cooperate tau sa gobyerno. Wag naman nating kubain mga pinu2 natin."
Chinese Song:
Imbisibol na Pakpak by Angela Chang
Kusina ni Kuya Ramon:
Stewed Pork Ribs
Mga Sangkap:
1/2 kilong tadyang ng baboy, hiniwa nang pakuwadrado
2 maliit na sibuyas, hiniwa
1 katamtamang laking luya, binalatan at hiniwa
1/4 na kutsarita ng pamintang buo
4 na piraso ng patatas, inapat ang hiwa
Petsay o repolyo
Asin o patis, pantimpla
Paraan ng Pagluluto:
Kumuha ng kaserola tapos pakuluan at palambutin ang pork ribs sa tamang dami ng tubig. Idagdag ang sibuyas, luya, paminta at patatas. Pakuluan uli hanggang sa lumambot ang patatas. Idagdag ang petsay o repolyo tapos lagyan ng panimpla. Isalin sa serving dish at ihain habang mainit pa.
Final Song:
Soul and Tell by Al Wilson
Mga Pahabol na SMS:
0928 754 0133: "Weeh, foul nman ung cnabi ni dgong ke d5. Wag nman ganun. Walang personalan. Sport lang."
0917 960 8218: "ngaun d lang habagat klaban ntin. meron ding buhawi. Ka2iba tlga lagay ng panahon. 'nu nman kya su2nod?"
0906 221 8724: "Panawagan sa mga nalulung sa masasamang bisyo. itigil nyo na yan. Mag-aral na lang kayung magluto sa Kusina ni Kuya Ramon!"
Hugot Lines:
Madelle (Valenzuela City): "Kung matututo tayong Magpasensiyahan at matututong magbigayan, maiiwasan natin ang digmaan. Wala nang maramng usapan."
Closing Reminder:
Ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |