|
||||||||
|
||
Embahada ng Pilipinas sa Italia, may pakikipag-ugnayan na sa pamahalaan
WALA pang balitang natatanggap ang Department of Foreign Affairs sa mga Filipinong posibleng apektado ng malakas na lindol sa Italia.
Ayon kay Assistant Secretary Charles Jose, ang Embahada ng Pilipinas sa Roma sa ilalim ni Ambassador Domingo Nolasco ang nangangalap ng impormasyon mula sa mga samahan ng mga Filipino sa Italia.
Umaabot sa 170,000 mga Filipino ang kalat sa bansang Italia, dagdag pa ng Department of Foreign Affairs.
Niyanig ng 6.1 magnitude na lindol ang Italia kaninang umaga. May 37 katao na ang nasawi at maraming sugatan, May mga gusaling bumagsak dala ng pagyanig ng lupa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |