Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagsabog sa Davao, ikinasawi ng 14 katao, higit sa 60, sugatan

(GMT+08:00) 2016-09-03 19:24:49       CRI

PNP at AFP, hindi natitinag gawa ng pagsabog

"RED ALERT" ANG PULISYA. Sinabi ni Quezon City Police Director Sr. Supt. Guillermo Eleazar na maglalagay sila ng mga tauhan sa matataong pook at magsasagawa ng checkpoint upang maiwasan ang mga pagkilos ng mga kalaban ng pamahalaan. Mabuti na umano ang nag-iingat. Ito ang kanyang mensahe sa isang public forum sa Quezon City kanina. (Melo M. Acuna)

BOMB SNIFFING DOGS, NAKAKALAT NA. Inilabas na naman ang mga asong sinanay sa paghahanap ng bomba at ibang mga kontrabando matapos itaas sa " red alert " ang PNP at Armed Forces of the Philippines. Kasama ito sa deklarasyon ni Pangulong Duterte sa pulisya at mga kawal na tumugon at humarap sa mga lumalabag sa batas sa alin mang bahagi ng bansa. Magugunitang may 14 katao ang nasawi sa pagsabog sa isang night market kagabi sa Davao City. (Melo M. Acuna)

INSPEKSYON SA LAHAT. Bilang pag-iingat, pinayuhan ang mga maglalakbay na buksan ang kanilang mga dala sa paglalakbay. Ang iba ay ipinasusuri sa mga K-9 elements ng pulisya at santadahang lakas ng bansa. (Melo M. Acuna)

NANGAKO si PNP Director General Ronald dela Rosa na hindi natitinag ang pulisya sa malagim na nanaganap sa Davao City kagabi. May sapat na tauhan ang pambansang pulisya, wika pa ni General De la Rosa sa isang press briefing kanina.

Nakikiramay ang pulisya sa mga naulila kasabay ng pagkondena sa mga may kagagawan ng pagpapasabog. Maliwanag umanong kagagawan ito ng terorista. Wala umanong nagaganap na krisis sa buong bansa.

Nanawagan siya sa publiko na maging mahinahon at manatiling payapa. Isinalilalim na rin niya ang buong kapulisan sa bansa sa full alert. Wala munang papayagang magbakasyon o umuwi sa kanilang pamilya.

Magkakaroon ng check-point sa iba't ibang mahahalagang bahagi ng bansa upang makita kung ano ang mga nagaganap. Walang anumang gagawing lalabag sa batas.

Kasama nila ang Armed Forces of the Philippines sa pagpapanatili ng kaayusan sa buong bansa.

Sa panig ng Armed Forces of the Philippines, sinabi ni Brig. General Restituto Padilla na sa madaling pag-amin ng Abu Sayyaf Group na may kinalaman sila sa pagpapasabog ay inaasahan na nila ito.

Ginagawa na ng pulisya ang pagsisiyasat at inaasahang magkakaroon ng pagtatapos at makabuluhang mga pahayag. Sa oras na mabatid kung sino ang may kagagawan ng pagpapasabog ay tinitiyak nilang mananagot.

Ang Armed Forces of the Philippines, ani General Padilla, sa deklarasyon ng "State of Lawlessness" sa Mindanao ni Pangulong Duterte ang tutugon sa panawagan at handang gumawa ng mga obligasyon nito at kikilos upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan.

Isinailalim na rin ang buong Armed Forces of the Philippines sa "Red Alert" at inutusan ang mga area commanders na makipagtulungan sa Philippine National Police. Kailangan ding maipagtulungan sa mga regional director ng Department of Interior and Local Government at magmungkahing ipatawag ang Regional Peace and Order Council at pag-usapan ang kautusan ni Pangulong Duterte.

Nanawagan din si General Padilla sa madla na bigyan sila ng pagkakataong magawa ang kanilang mandato. Kailangan lamang magawa nila ang inaasahan.

Sa Metro Manila, sinabi ni Quezon City Police Director Sr. Supt. Guillermo Eleazer na maglalagay sila ng mga tauhan sa mahahalagang bahagi ng lungsod bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Duterte. Bagaman, hindi na sila hihingi ng dagdag na mga tauhan sa kanilang Regional Headquarters sapagkat mangangailangan din ang iba't ibang tanggapan ng pulisya sa Metro Manila.

Nagsagawa ng inspeksyon sa mga matataong pook si Sr. Supt. Eleazar tulad ng bus terminal sa loob ng Araneta Center at mga terminal ng bus sa kahabaan ng EdSA. Dala ang kanilang mga asong naturuan sa pagbabantay at paghahanap ng mga bomba sa iba't ibang bus terminal ngayon.

Mayroon umanong higit sa isang daang lansangan papasok at palabas sa Quezon City na nararapat lamang bantayan upang maiwasan ang mga masasamang loob sa kanilang mga balak.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>