|
||||||||
|
||
Epekto ng pagsabog sa Davao, panadalian lamang sa kalakal
ECONOMIC FUNDAMENTALS, MATATAG. Ito naman ang sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas Deputy Governor Diwa Gunigundo sa isang public forum sa Quezon City kanina. Malaking bagay ang pagkakamit ng Pilipinas ng 7% growth rate sa ikalawang quarter ng taon, dagdag pa niya. (Melo M. Acuna)
SINABI ni Bangko Sentral ng Pilipinas Deputy Governor Diwa Gunigundo na pandandalian lamang ang magiging negatibong epekto ng pagsabog na ikinasawi ng 14 katao at ikinasugat ng higit sa 60 katao kagabi.
Sa idinaos na public forum kanina, sinabi ni G. Gunigundo na makikita naman ang magandang perfornance ng ekonomiya sa paglipas ng mga taon at mga administrasyon. Natupad na rin naman ang mga programang nagpatibay sa ekonomiya tulad ng privitization nf power sector, nagpaluwag ng oil industry at pagbuo ng isang independent na bangko sentral. Nagkatotoo na rin ang mithing securitization sa larangan ng kalakal.
Mas maraming umaasa sa Metro Manila at sa bansa sa pagkakaroon ng maraming kabataang nakapag-aral na mga manggagawang matatas sa wikang Ingles at may kakayahang tumugon sa pagbabagong dulot ng teknolohiya.
Lumago ang ekonomiya sa second quarter at nakamtan ang 7% mula sa 6.9% noong unang quarter ng 2016.
Bagaman sinabi ni G. Gunigundo na hindi gasinong maganda ang inaasahang growth rate sa third quarter subalit makakabawi pagsapit ng fourth quarter sa pamamagitan ng mga padalang salapi ng mga manggagawang na sa ibang bansa.
Mula noong 2005 ay hindi nagkaroon ng deficit ang balance of payments ng bansa kaya't nangangahulugan ito ng mas maraming dolyar. Tanging surplus ang balance of payments ng Pilipinas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |