|
||||||||
|
||
Batanes, nangangailangan ng tulong
SINABI ni Batanes Bishop Camilo Gregorio na hinagupit ng bagyong "Ferdie" ang kanyang nasasakupan. Maraming mga tahanan, gusali ng pamahalaan at maging mga simbahan ang napinsala at natanggalan ng bubong.
Ikinatuwa niya na walang sinumang nasawi subalit nangangailangan ng mga yero, bakal at semento upang maitayo at maayos ang mga tahanang napinsala. Iregular ang mga paglalakbay ng mga barko sa Batanes at kinukuha nila ang kanilang construction supplies sa Maynila, sa Tuguegarao at maging sa Laoag Cities.
BATANES NANGANGAILANGAN NG TULONG. Sinabi ni Batanes Bishop Camilo Gregorio na kailangan ng daan-daang pamilya ang construction materials upang maitayo ang mga napinsalang tahanan matapos hagupitin ng super-typhoon "Freddie" kamakailan. (Melo M. Acuna)
Daan-daang mga tahanan ang napinsala sa Itbayat at sa Basco. Nanawagan na rin ang gobernador ng lalawigan na magpadala ng barko mula sa Metro Manila na maydalang construction materials.
Nanawagan na sila sa Catholic network at nagpapasalamat si Bishop Gregorio sa mga tumutulong sa kanilang mga biktima ng bagyo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |