|
||||||||
|
||
Para naman sa taong 2016, sinabi DoT-Beijing na ang target ay 550,000 Chinese tourist arrivals, pero, dahil sa patuloy na pagdami ng mga chartered flights patungong Pilipinas, mula sa China, maaring malampasan ito.
Ayon pa rito, baka umabot pa sa 600,000 Chinese tourist arrivals sa 2016.
Mula sa buong mundo, ang target na tourist arrival ng Pamahalaang Pilipino sa taong 2016 ay 6 na milyon.
Sinabi ng Dot-Beijing na isa pa rin sa mga pinaka-popular na Chinese tourist destination sa Pilipinas ay Boracay, dahil na rin sa bilang ng mga flights at tourism infrastructure na naroroon.
Pero, sa taong ito ang Cebu-Bohol, na may kabigha-bighani ring kagandahan ang binibigyang-diin ng DoT-Beijing Office.
Animnapu't limang (65) milyon pa lamang ang mga Tsinong may passport sa kasalukuyan, at 5% lamang ito ng 1.4 bilyong populasyon ng Tsina. Inaasahang ang Tsina ang magiging pinakamalaking outbound tourism market sa buong mundo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |