|
||||||||
|
||
20161013ditorhio.m4a
|
Noong nakaraang linggo, ipinagdiwang ng Tsina ang golden week o National Holiday Vacation. Ayon sa Chinawire, e-magazine sa Tsina, 589 million ¬Chinese tourist ang bumiyahe sa Golden Week na ito. Kabilang dito, 6 na milyong Chinese tourist ang lumabas ng Tsina para mamasyal sa ibang bansa.
Kasama po ang inyong lingkod na nagbakasyon sa panahong ito, at personal nating nakita kung gaano karami ang mga Chinese tourist na nagpunta sa Pilipinas.
Sa airport pa lamang ay nakita ko na ang grupu-grupong turistang Tsino na papunta sa mga popular tourist destination ng ating bansa na gaya ng Boracay, Cebu, Bohol etc.
Ayon pa rin sa Chinawire, mahigit kalahating bilyong Chinese tourists ang gumasta ng 478 billion yuan ($94 billion dolyar) sa linggong ito.
Ang bilang na ito ay mas malaki ng 13.5% kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Ang kabuuang bilang naman ng mga turista ay lumaki rin ng 12%, kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Ayon sa joint report ¬na inilabas ng China Tourism Academy at CTrip (isa sa mga pinakamalaking travel agency sa Tsina), halos two thirds ng mga turistang Tsino ang gumamit ng mobile phone para i-book ang kanilang mga ticket sa kanilang mga biyahe.
Ayon pa rin sa nasabing report, 80% ng paggasta ay nangyari online.
Sa panahon ngayon, napakabilis po ng pag-unlad ng mga mobile app industry sa Tsina, gaya ng We Chat, Weibo, Zhifu Bao etc. Isa po tayong patunay sa napakabilis na pag-unlad na ito.
Dito po sa Mainland, napakaraming Tsino ang gumagamit ng cellphone at iba pang smart device para mag-shopping, mag-order ng pagkain, tumawag ng taxi, etc.
Pag-aari ng Tsina ang ilan sa mga pinakamalaki at pinaka-modernong e-commerce at mobile payment company na gaya ng Alibaba at Tencent.
Dahil sa patuloy na pag-abante at paglaganap ng mga online product offerings, patuloy na dumarami ang bilang ng Chinese tourists na nagiging interesado sa pagbibiyahe sa labas ng Tsina at humihiwalay sa mga nakagawian nang tour groups.
Noong dati po kasi, kapag nagbiyahe palabas ng bansa ang mga Tsino, sumasama lang sila sa mga tour group.
Ngayon, dahil sa paglaganap ng mga online at mobile booking at payment apps, marami na sa kanila ang nagsasarili, o nagbibiyahe nang sarilinan, gamit ang mga nasabing mobile app.
Bukod pa riyan, noong dati, ang pagsa-shopping ay kasama at di-maihihiwalay na bahagi ng Chinese tourist experience.
Pero ngayon, mas gusto na ng mga Chinese travellers ang mas mabubuti at dekalidad na produkto.
Ito ay nagpapakita ng natural na progression sa tinatawag na buying habits.
Mas gusto ngayon ng mga bago at mayayamang consumer na Tsino na bumili ng mga branded goods para ipakita ang kanilang social status. Pagkatapos nilang mabili ang mga mamahaling gamit na ito, gusto rin nilang magkaroon ng napakaganda at kakaibang experience sa bansang kanilang pinupuntahan.
Ang mga middle-class professionals na may edad 23 hanggang 55 taong gulang ang bumubuo sa 61% ng kabuuang tourist population ng Tsina. Ang mga nasa edad 22 taong-gulang pababa naman ay 18%, at ang mga 56 taong-gulang pataas ay 18% ng ¬traveller population.
Pero, ang tanong, bakit sa National Holiday Vacation (Golden Week) bumibiyahe at gumagasta ang mga Tsino?
Sagot: sa Tsina, ang karaniwang bayad na bakasyon ng mga mamamayan ay 2 linggo lamang. Kaya, ginagamit ng maraming propesyunal ang Golden Week upang magrelaks at bumiyahe sa loob at labas ng bansa. Kung pag-uusapan naman ang consumption power, ang mga biyahero't biyahera mula sa mga major urban centre na gaya ng Shanghai, Beijing, Guangzhou at Hangzhou ay willing na buksan ang kanilang pitaka at gumasta.
Ayon pa rin sa joint report ng Chinese Tourism Academy at C-Trip, ang mga Chinese travellers ay willing na gumasta para sa mas mabuting serbisyo.
Dagdag ng C-Trip, nais ng 80% ng mga manlalakbay na gumamit sa app na ito, ang four at five diamond services.
Ibig sabihin, nais ng mga Chinese travellers na manatili sa mga five-star hotel o boutique accommodation na gaya ng chateaux sa France.
Dahil sa nabanggit nating trend sa tourism habit ng mga Tsino, nagkaroon ng mahigpit na kompetisyon ang ibat-ibang bansa upang makuha ang mga turistang ito.
Ayon sa Chinawire, limamput pitong (57) bansa't rehiyon ang nag-introduce ng visa-free o visa-upon-¬arrival policies.
Noong Golden Week, ang mga pinakapopular na destinasyon ng mga Tsino ay Korea, Thailand, Japan, Indonesia at US.
Sa kabilang dako, ayon sa Department of Tourism (DoT)-Beijing Office, umabot sa mahigit 458,000 ang mga turistang Tsino na bumisita sa Pilipinas noong 2015.
Ito ang pinakamataas na bilang ng mga naitalang Chinese tourist arrival.
Ipinagmalaki na ang taong 2015 ay naging masaganang taon para sa turismo ng Pilipinas.
Ang target sa 2015 ay 450,000 lamang.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |