|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Mga lalawigang sakop ng "Signal No. 5" nadagdagan
MAS maraming lalawigan ang isinailalim sa "Signal No. 5" sa paglapit ng bagyong "Lawin" sa hilagang Luzon.
Ayon sa pinakahuling ulat ng PAGASA kaninang ikalima ng hapon ang mga lalawigang nasa ilalim ng "Signal No. 5" ang ang Cagayan, Isabela, Kalinga at Apayao.
Sinabi ni Aldczar Aurelio ng PAGASAsa isang televisied briefing na mararanasan nila ang delubyo at hindi nalalayong pinsalang tulad ng idinulot ni "Yolanda" noong 2013.
Ang mga lalawigang saklaw ng "Signal No. 4" ay ang Ilocos Norte, Abra, Ilocos Sur, Mt. Province, Ifugao at Calayan Group of Islands. "Signal No. 3" naman ang nakataas sa La Union, Benguet, Nueva Vizcaya, Quirino at Northern Aurora.
Nakataas naman ang "Signal No. 2" sa Batanes Group of Islands, Pangasinan, nalalabing bahagi ng Aurora, Tarlac, Nueva Ecija, hilagang Zambales at hilagang Quezon, kabilang ang Polillo Islands.
"Signal No. 1" naman ang nakataas sa nalalabing bahagi ng Zambales, Bulacan, Bataan, pampanga, Rizal, nalalabing bahagi ng Quezon Province, Cavite, Laguna, Batangas, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay at Metro Manila.
Mapanganib din ang paglalakbay sa karagatan sa silangang bahagi ng Luzon hanggang sa silangan at hilagang bahagi ng Samar. Bubuti na ang panahon pagsapit ng Biyernes at Sabado
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |