|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Padalang salapi ng mga Filipino sa ibang bansa, umabot sa US$ 2.6 bilyon noong Agosto
TUMAAS ang padalang dalapi ng mga Filipino noong Agosto 2016 ng may 16% kung ihahambing sa kanilang naipadala noong Agosto 2015. Umabot ito ng US$2.6 bilyon.
Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas Officer-In-Charge Nestor A. Espenilla, ang personal remittances na naipadala ng mga Filipino sa unang walong buwan ay lumago ng 4.4% at nakamtan ang halagang US$ 19.5 bilyon.
Kalakhan ng salaping pumasok sa bansa ay personal remittances mula sa mga manggagawang nasa lupa na may kontratang higit sa isang taon sa alagang US$ 15.1 bilyon samantalang ang padalang salapi ng mga magdaragat at manggagawang nasa lupa subalit may mga kontratang wala sa isang taon ay umabot sa US$ 4.1 bilyon.
May 80% ng salaping nakarating sa bansa ay mula sa Estados Unidos, Saudi aRabia, United Arab Emirates, Singapore, United Kingdom, Japan, Qatar, Kuwait, Hong Kong at Germany.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |