|
||||||||
|
||
Mga layko, may papel sa lipunan
SINABI ni Arsobispo Socrates B. Villegas, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines at arsobispo ng Lingayen-Dagupan na mayroong papel ang mga layko sa lipunan tulad ng binabanggit sa Catechism for Filipino Catholics.
Kailangang manguna ang mga layko sa pagbabago ng kalakaran sa politika ayon sa Mabuting Balita.
Sa limang-pahihang pahayag, sinabi ni Arsobispo Villegas na kapuri-puri ang pagsasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na may puso siya para sa mahihirap. Kalat pa rin ang kahirapan at 'di pagkakapantay-pantay ang malawakang nagaganap sa bansa. Wala pang nagaganap na human development, dagdag pa ni Arsobispo Villegas.
Isang magandang balita ang pagsasabi na umuunlad ang ekonomiya at nararapat lamang purihin ang pamahalaan at gawin ng mamamayan ang nararapat gampanan sa pagpapa-unlad ng ekonomiya.
Nanawagan ang pangulo ng CBCP sa mga mangangalakal at mga kapitalista na kumilos upang mapa-unlad ang kabuhayan ng mga mamamayan ng bansa. Ang corporate social responsibility ay magandang paraan upang makatulong sa mga mamamayan.
Samantala, sinabi pa rin ni Arsobispo Villegas na nakikiisa ang Simbahan kay Pangulong Duterte sa kanyang pahayag na tatapusin ang kontraktuwalisasyon, lalo na't natatapos ang mga kontrata ng mga manggagawa paglipas ng wala pang anim na buwan.
Walang sasapat na dahilan upang gipitin ang mga manggagawang Filipino sa pagtangging bigyan ng benepisyo ng matagalang trabaho.
Nababahala ang mga obispo sa posibilidad na may high-raking officials na sangkot sa drug trade. Nararapat lamang na ipagpatuloy ang imbestigasyon at walang nararapat mailigtas.
Iniaalok ng simbahan ang mga pasilidad, mga simbahan at mga tanggapan para sa paggamot sa mga drug addicts. Nananawagan rin ang CBCP sa mga pari na himingi rin ng tulong sa mga guidance counselor at psychologist upang makasama sa Simbahan.
Ikinababahala lamang ng CBCP ang mga balitang nanlaban at nangagaw ng baril ang mga pinaghihinalaan. Hindi masasabi ng pamahalaan na angkop ang pagpatay ng walang sapat na dahilan.
Pinapurihan din nila ang Commission on Human Rights sa pagbabantay kasabay ng pagtiyak ng patuloy na suporta ng CBCP.
Nanindigan din ang CBCP sa kasagraduhan ng buhay kaya't nanawagan din sila sa pagbabantay sa Reproductive Health law na hinihiling na huwag nang pahintulutan ang balak ni Pangulong Duterte.
Tiniyak ni Arsobispo Villegas na magpapatuloy ang mga obispo sa kanilang misyon. Inaamin din ng mga obispo ang kanilang pagkukulang, pagkakasala at pagkukulang. Paulit-ulit na umanong humihiling sila ng kapatawaran sa mga pagkukulang at kasalanan.
Kahit sugatan, umaasa sina Arsobispo Villegas na may obligasyon silang magpatuloy sa pagtuturo at manindigan para sa katotohanan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |