|
||||||||
|
||
Relasyon ng United Kingdom at Pilipinas, higit na gumaganda
GLOBALISASYON, DAAN TUNGO SA KAUNLARAN. Ito ang paniniwala ni British Ambassador Asif Ahmad sapagkat walang bansang uunlad kung mananatiling mag-isa. Ayon sa ambassador, isang halimbawa ang itinatayong planta sa United Kingdom ng mga Tsino at mga Pranses. Mahalaga ang pagkakalakalan tulad ng Pilipinas at United Kingdom. (Melo M. Acuna)
IBINALITA ni British Ambassador to the Philippines Asif Ahmad na higit na makikinabang ang kanyang bansa at Pilipinas sa lumalakas na relasyong pang-ekonomiya.
Sa isang panayam sa kanyang tahanan kagabi, sinabi ni Ambassador Ahmad na ang globalisation ang isang paraan upang higit na sumigla ang iba't ibang bansa. Binanggit niya na suportado ng United Kingdom ang Association of Southeast Asian Nations o ASEAN sa pagkakalakal.
Sa larangan ng kalakal, ang United Kingdom ang nangungunang investor sa Pilipinas mula sa European Union. Nakatutulong din sila sa pagpapataas ng bilang ng mga may trabaho at pagkakaroon ng dagdag na rentas para sa pamahalaan.
Sa kanyang pananaw sa Tsina, sinabi ni Ambassador Ahmad na mayroong proyekto ang Tsina at Francia sa United Kingdom at nagtatayo ng isang power plant. Kung noo'y hindi inakalang magaganap ito, nagkatotoo na ito sa pagkakaroon ng globalisation.
Matapos ang global financial crisis noong 2007, nadama ng iba't ibang bansa na mahalaga ang pagtutulungan. Wala na umanong pook para sa mga naniniwalang mabubuhay ang isang bansa kung mag-isa lamang siya at hindi makikiisa sa iba't ibang bansa sa daigdig.
Binanggit din niyang hindi nararapat malimot ang mga mahihirap sapagkat walang kabutihang idudulot ang kaunlaran kung hindi masasakop ang nakararami sa bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |