|
||||||||
|
||
ASEAN Secretary General, dumalaw sa Pilipinas
ASEAN SECRETARY GENERAL DUMALAW SA PILIPINAS. Makikita sa larawan si Secretary of Foreign Affairs Perfecto R. Yasay, Jr. (kanan) habang kausap ang dumalaw na ASEAN Secretary General Le Loung Minh bilang paghahanda para sa pamumuno ng Pilipinas sa ASEAN sa susunod na taon. (DFA Photo)
TINANGGAP ni Philippine Foreign Secretary Perfecto R. Yasay, Jr. si G. Le Luong Minh, ASEAN Secretary General, noong Martes sa working visit ng panauhin mula noong Lunes hanggang kahapon, ika-15 ng Disyembre.
Ayon sa inilabas na pahayag ng Department of Foreign Affairs, pinag-usapan ng dalawang opisyal ang paghahanda ng Pilpinas para sa pagiging chairman ng ASEAN sa susunod na taon na magbubukas sa darating na unang araw ng Enero ng 2017.
Ang pagdalaw na ito ay pagsunod sa tradisyon ng samahan na kinatatampukan ng pagdalaw ng Secretary General at ng kanyang koponan sa papasok na chair ng ASEAN upang matiyak ang paghahanda para sa chairmanship ng samahang pangrehiyon.
Kasama niyang dumalaw ang Deputy Secretaries General ng tatlong community pillars ng ASEAN, ang political – security, economic at sociosultural at kani-kanilang mga koponan. Nakipag-usap ang tatlong opisyal sa kanilang Filipino counterparts at tinalakay ang mga prayoridad, mga gagawing programa at mga balak na pag-uusapan sa pamumuno ng Pilipinas sa ASEAN.
Lumahok sa mga konsultasyon ang mga opisyal ng Department of Foreign Affairs para sa political – security cluster, Department of Trade and Industry para sa economic cluster at Department of Social Welfar and Development para sa socio-cultural cluster.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |