|
||||||||
|
||
Misa de Gallo, nagsimula na
MARAMING mga Filipino ang nagtungo sa kani-kanilang simbahan upang simulant ang siyam na araw na pagnobobena bilang paghahanda sa Kapaskuhan.
Karaniwang sinisimulan ang Misa sa ganap na ika-apat o ika-apat at kalahati ng umaga at dumadalo ang mga mamamayan kahit pa umuulan at may kalamigan ng hangin.
Sinimulan ang Misa de Gallo, o ang misa sabay ng pagtilaok ng tandang noon pang nagkakalakal ang mga Filipino at mga Kastila sa pamamagitan ng Galleon Trade ilang daang taon na ang nakalilipas.
Nagbibigay din ito ng pagkakataon para sa mga magsasaka na magsimba bago pa man magtungo sa kanilang mga bukirin.
Sa pagdedeklara ng Batas Militar ni Pangulong Ferdinand Marcos noong 1972, sinimulan ang pagdaraos ng misa pagsapit ng ikawalo ng gabi upang makauwi ang mga magsisimba bago sumapit ang curfew.
Ang misa na karaniwang ginagawa pagsapit ng hatinggabi sa bisperas ng Pasko at Bagong Taon ay inilipat na rin sa ganap na ika-sampu ng gabi upang makauwi ang mga magsisimba mga isang oras bago maghating-gabi.
May curfew noon mula ika-labing dalawa ng hatinggabi hanggang ika-apat ng umaga.
Subalit kinagiliwan na ng mga nasa lungsod na magsimba paglabas sa kanilang mga tanggapan kaya't hindi na rin inalis ang "anticipated mass" sa bawat gabi bago sumapit ang Pasko at Bagong Taon.
Nadala na rin ng mga nanginbang-bansang Filipino ang pagdaraos ng Misa de Gallo sa kanilang tinitirhang bansa tulad ng Kuwait at mga lipunang bukas sa mga mananampalatayang Filipino.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |