|
||||||||
|
||
Mithing bonus, 'di magkakatotoo
WALANG darating na malalaking halaga sa mga kasapi ng Philippine National Police. Ito ang sinabi ng Malacanang na taliwas sa sinabi ni PNP Director General Ronald dela Rosa kahapon.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella na walang inilalabas na salapi kaya't walang anomang magaganap na pagpapaluwal ng malaking halaga.
Kahapon, binanggit ni Director General dela Rosa na ang high-ranking officers ng PNP ay makatatanggap ng mula P100,000 hanggang P 400,000 samantalang ang mga opisyal na mas mababa sa chief superintendent ay makatatanggap ng P50,000 nilang regalo ngayong Pasko mula kay Pangulong Duterte.
Niliwanag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella at nabatid na 'di pa nailalabas ang halaga at walang posibilidad na mailalabas ang nabanggit ni General dela Rosa.
Sa pagtatanong ng mga mamamahayag kay Secretary Abella kung saan magmumula ang halaga, inamin rin General dela Rosa na 'di niya alam ang pagmumulan nito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |