|
||||||||
|
||
Daan-daang mga magsasaka, tumanggap ng hybrid rice
HIGIT sa 1,200 mga magsasaka mula sa Aurora at Ilocos Norte ang tumanggap ng hybrid rice seeds mula sa Chinese Embassy sa Maynila sa ngalan ng pamahalaan ng People's Republic of China kamakailan. Ito na ang ika-apat na pagkakataong nagbigay ang panig ng mga Tsino sa pangangailanan ng mga magsasakang Filipino mula noong 2014.
Sa kanyang mensaheng ipinadala sa simpleng seremonya, sinabi ni Ambassador Zhao Jianhua na nakikiisa ang Tsina sa mga trahedyang nadarama ng mga Filipino sa Aurora at sa Ilocos Norte. Tiniyak ni Ambassador Zhao na sa oras ng kagipitan, handang tumulong ang pamahalaang Tsino at ang mga mamamayang Tsino.
Layunin ng Tsina na makabawi ang mga magsasaka sa madaling panahon kaya't nagpadala ng 10 toneda ng Longping LP 205 hybrid rice seeds at umaasa siyang makatutulong ito sa pagtatangka ng mga magsasakang makabawi sa tulong ni Governor Gerardo Noveras.
Hindi umano inaasahan ng mga taga-Aurora ang tulong ng Tsina. Ayon kay Gobernador Noveras, hindi nila inaasahang makakadalo kaagad sa kanilang kahilingan ang Embahada ng Tsina. Ayon sa gobernador, inakala nilang tatagal ng isang taon ang kanilang kahilingan.
Matapos ang seremonya, sinimulan ng mga dalubhasa sa Phil-Sino Center for Agricultural Technology ang pagsasanay hinggil sa LP205 at LP 331 hybrid rice planting para sa mga magsasaka.
Napinsala ang mga lalawigan ng Ilocos Norte at Aurora bagyong Karen at Lawin. May 220,000 katao ang apektado ng trahedya samantalang aabot sa 7,000 ektaryang palayan ang napinsala. Aabot sa 800 milyong piso ang pinsala sa mga pagawaing-bayan at sektor ng pagsasaka.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |