|
||||||||
|
||
Pangulong Duterte, dumalaw sa Camarines Sur
DINALAW ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nasalanta ng bagyong "Nina" sa Pili, Camarines Sur at tiniyak sa mga biktima na ginagawa nila ang lahat upang makabalik sa normal ang buhay ng mga mamamayan.
Ginagawa lamang niya ang pagtulong sa mga biktima. Tumanggi siyang mamahagi ng relief goods sapagkat bulok na umano ang gawaing pamamahagi ng pagkain sa panahon ng trahedya.
Kasama niya si Agriculture Secretary Manuel Pinol, Education Secretary Leonor Briones, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo at Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Eduardo Ano ganap na 4:45 ng hapon.
Dumalaw din siya sa Catanduanes at namahagi ng relief goods. Walang anumang talumpating ginawa sa Virac ganap na ikatlo ng hapon.
Ibinalita na rin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na mayroong 25,959 pamilya ang apektado ng bagyong "Nina" sa CALABARZON, MIMAROPA, Bicol at Eastern Visayas regions.
Inaalam pa ng mga autoridad ang balitang may anim o pito katao ang nasawi dahil sa bagyo sa mga lalawigan ng Albay at Quezon.
Mayroon pang 23,284 na pamilya ang naninirahan sa iba't ibang evacuation centers.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |