|
||||||||
|
||
Dating Pangulo at Congresswoman Arroyo, pinawalang-sala ng Ombudsman
MALINIS na ang mga pangalan nina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na ngayo'y congresswoman ng ikalawang distrito ng Pampanga ayon sa desisyon ng Ombudsman hinggil sa usaping may kinalaman sa sinasabing Malampalaya fund scam.
Umabot sa 134 na pahina ang Joint Resolution na naging basehan ng pahayag ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na ang mga nagrekalmong kinabibilangan ng National Bureau of Investigation ay 'di nakapagpatunay na ang dating pangulo at tatlong iba pa ay nagsabwatan sa paglilipat ng pondong mula sa Malampaya.
Ayon sa pinakahuling impormasyon, ang tatlong iba pa ay sina dating Executive Secretary Eduardo Ermita, dating Agrarian Reform officials Dominador Sison at Nilda Baui.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |