|
||||||||
|
||
Pilipinas, makikinabang sa ASEAN integration
MAKIKINABANG ANG PILIPINAS SA ASEAN. Sa panig ni Quezon City Chamber of Commerce and Industry President Pacifico Maghacot, Jr. handa ang Pilipinas sa ASEAN economic integration. May mga panlaban ang mga manggagawang Filipino. Maganda rin ang kalakal sa Quezon City sa pagkakaroon ng 4,000 bagong kalakal sa bawat taon. (Melo M. Acuna)
SA pagdami ng mga mamamayan, lalo na sa Quezon City, nangungunang kalakal ang pagkain. Ito naman ang sinabi ni G. Pacifico Maghacot, Jr., pangulo ng Quezon City Chamber of Commerce and Industry.
Sa bawat taon, halos kasing damit ng mga mamamayan sa Makati City ang napapadagdag sa mga naninirahan sa Quezon City. Maganda rin ang kalakal sa Quezon City sapagkat mula sa 69,000 mga kalakal sa lungsod, mayroong 4,000 ang mga bagong kalakal sa bawat taon.
Maganda rin ang ugnayan ng pamahalaang lungsod at mga mula sa Akademya kaya't nagkakaroon ng insentibo ang mga mangangalakal na gamitin ang mga bagong paraan ng pagnenegosyo na nagmumula sa mga pamantasan at dalubhasaan sa lungsod.
May kakayahan ang mga manggagawang nasa Lungsod ng Quezon at maaaring makipagsabayan sa mga bansang kabilang sa Association of Southeast Asian Nations.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |