Ratings ni Vice President Robredo, bumaba
NABAWASAN ang trust ratings ni Vice President Leni Robredo sa huling tatlong buwan ng 2016 matapos siyang umalis sa gabinete ni Pangulong Duterte.
Ayon sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, ginawa ang survey mula ika-anim ng Disyembre hanggang ika-11 ng Disyembre. Kinakitaan ito ng national trust rating na 58% at mas mababa ng pitong percentage points mula sa kanyang 65% noong Setyembre.
Nakatanggap naman si G. Duterte ng 83% at mababa lamang ng 3% sa dating trust rating.
Ginawa ang survey dalawang araw matapos magbitiw si Gng. Leny Robredo bilang Housing Secretary dahil sa sinasabing irreconcilable and public differences kay Pangulong Duterte.
1 2 3 4