Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Koreanong dinukot, pinaslang sa loob ng Campo Crame

(GMT+08:00) 2017-01-19 18:31:45       CRI

LUMABAS na ang executive ng Hanjin Corporation na si Jee Ick Joo na dinukot noong Oktubre ay binigti hanggang sa mamatay sa loob ng Campo Crame, headquarters ng Philippine National Police. Ito ang lumabas sa isang resolusyon ng Department of Justice.

Ang akusadong si SPO4 Roy Villegas ang naglabas ng detalyes kung paano pinaslang ang biktima.

Ayon sa mga balitang lumabas sa media, sa sinumpaang salaysay, sinabi ni Villegas na samantalang nasa loob ng Campo Crame, narinig niya sa SPO3 Ricky Sta. Isabel na may kausap na isang Sir Dumlao at narinig niyang nagsabing "Sir, ang alam ko ay kilala nyo ang mga taong ito dahil ang pagkakaalam ko ay sanction niyo ito."

Sinabi pa ni Villegas na isa Sta. Isabel ang nagdala ng packaging tape at guwantes at nag-utos na takpan ang ulo ng biktima at sundin siya sa halip na si Dumlao.

Ayon sa resolusyon, naalala niya na binibigti ni Sta. Isabel ang biktima hanggang sa mapatay. Matapos mapatay ang biktima, sinabi ni Villegas na tinawagan ni Sta. Isabel ang isang "Ding" na pumayag na tanggapin ang bangkay sa halagang P 30,000 at isang golf set.

Dinala ang bangkay sa isang punerarya sa Caloocan. Ayon pa sa resolusyon, sinabi ni Villegas na lumahok siya sa operasyon sa paniniwalang lehitimo ang operasyon laban sa biktima na ayon kay Sta. Isabel ay sangkot sa illegal drugs. Ang buong akala ay ang ginawang surveillance at police operations na nilahukan niya ay lehitimong police operation.

Nang mapuna niyang iba ang takbo, hindi na siya kumontra at sumunod na lamang sa utos ni Sta. Isabel sa takot na mapatay at sa ngalan ng kaligtasan ng kanyang pamilya.

Magugunitang dinukot si Jee at ang kanilang kasambahay na si Marissa D. Morquicho ng dalawang 'di kilalang kalalakihan sa kanilang tahanan sa Pampanga. Sa kanyang pahayag, sinabi ni Morquicho na nagpakilala ang mga kalalakihang pulis at inutusan siyang samahan sila sa silid ni Jee.

Samantalang patungo sa Maynila, sinabihan siya ng kalalakihan na sangkot ang kanyang amo sa illegal drug activities. Si Morquicho ay nagsabing matapos silang dumating sa Campo Crame, inilipat siya sa kotse ni Sta. Isabel at pinalaya.

Samantala, sinabi ni PO2 Christopher Baldovino sa kanyag sinumpaang salaysay, bahagi siya ng surveillance operations na ginawa bago dinukot si Jee.

Ang DOJ resolution na ipinasa upang makapagparating ng pormal na sumbong sa kasong kidnapping-for-ransom with homicide laban kay Sta. Isabel, Villegas, Ramon Yalung at ilang John Doe ay nagsaad na ang lahat ng respondents ay hindi nakapagsumite ng ebidensyang tumatanggi sa kanilang pagkakasangkot sa oeprasyon.

Ayon sa Department of Justice, ang respondents ay hindi nakapaglabas ng ebidensyang taliwas sa mga alegasyon at sa mga pahayag nina Morquicho, ng maybahay ng biktima at pag-amin nina Villegas at Baldovino.

Samantalang ang biktima ay pinatay at sa pagkakabimbin sa kanya, nagsabwatan ang mga akusado at mananagot para sa special complex crime na kidnapping for ransom with homicide.

Ayon sa resolusyon, ang special complex crime na kidnapping for ransom with homicide ay nagagawa kung ang tao ay pinatay samantalang binibimbin. Si Sta. Isabel ang itinuturong pumatay sa biktima sa pamamagitan ng pagbibigti.

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>