|
||||||||
|
||
20170221maartetapos.mp3
|
Mga kaibigan, sa programang ngayong gabi, ibabahagi namin sa inyo ang tungkol sa isang matandang instrumento ng Tsina, ang Guqin, o Chinese zither.
Ang Gu Qin ng Tsina
Mahaba ang kasaysayan ng Guqin. Ayon sa alamat, ang Guqin ay naimbento ni Fu Xi. Siya ay nabuhay noong 5000 BC.
Mabagal ang rhythm ng Guqin at kalmado ang tunog nito. Sa kulturang Tsino, ang isang maginoo ay dapat mag-aral ng 4 na sining: Guqin, go (weiqi), kaligrapiya at pagpinta. Ayon sa mga maginoo ng sinaunang Tsina, ang naturang mga sining ay maaaring madagdag ang karunungan at pagiging maginoo ng isang tao. Narito ang Guangling Verse, isa sa mga pinakamatanda at pinakakilalang Guqin music ng Tsina.
Ang estruktura ng Guqin ay simple, top board, bottom board, at 7 strings. Ang ibabaw ng Guqin ay medyo kurbada at ang ilalim naman ay patag: ang mga ito ay sumisimbolo sa paniniwala ng mga sinaunang Tsino na bilog ang langit at kuwadrado ang mundo, ito rin ay kaalaman sa heograpiya sa ancient China.
Ayon sa mga sinaunang Tsino, ang malumanaw na melodiya ng Guqin ay maaaring makatulong sa mga tao sa pagbabalanse ng kanilang kaisipan at damdamin. At ang atomospera at kapaligiran ay napakahalaga rin para sa pagtugtog ng Guqin. Noong sinaunang panahon, ang Guqin ay tinutugtog sa bundok o sa tabi ng ilog. Ang tema kung saan malimit gamitin ang Guqin ay hinggil sa magandang natural na tanawin.
Ayon sa alamat ng Tsina, noong Spring and Autumn Period (770-476 B.C.), mayroong isang mahusay tumugtog ng Guqin player - Yu Boya. Siya ay mahusay sa pakikinig ng mga natural na tunog at tinutugtog niya ang mga ito gamit ang Guqin.
Bukod sa kanya, nariyan din si Zhong Ziqi. Naiintindihan niya ang lalim at kagandahan ng pagtugtog ni Yu Boya. Habang tumutugtog si Yu Boya, sinabi ni Zhong na maikukumpara ito sa isang bundok. Aniya pa, "kagila-gilalas at napakatayog ng bundok na ito."
Kung tungkol naman sa ilog ang tinutugtog ni Yu Boya, sinabi ni Zhong Ziqi na: "ang ilog na ito ay napkalawak at napakamakapangyarihan." Sinabi naman ni Yu Boya na: "Si Zhong Ziqi ay tunay kong kaibigan." Ayon kay Yu Boya, si Zhong Ziqi lamang ang tanging tao na nakakaintindi sa kanyang musika.
Pero, ang kuwentong ito ay mayroong isang malungkot na wakas. Maagang namatay si Zhong Ziqi. Nang mabalitaan ito ni Yu Boya, sinira niya ang kanyang Guqin, at di na niya uli ito tinugtog. Wala na raw kasing nilalang sa mundo na makakaintindi sa kanyang musika.
Chinese Painting: Sina Yu Boya at Zhong Ziqi
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |