|
||||||||
|
||
LUMAGO na naman ang padalang salapi ng mga manggagawang Filipino noong nakalipas na Enero at umabot sa US$ 2.4 bilyon na kinatagpuan ng paglobo ng may 8.5% kung ihahambing sa datos noong Enero ng 2016.
Ito ang ibinalita ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando Tetangco, Jr. Idinagdag niyang lumago ng 13.5% ang padalang salapi ng mga land-based workers na may kontratang isa o higit pang taon na umabot sa US$ 1.9 bilyon at nakatakip sa kabawasang 8.3% sa padalang salapi ng mga manggagawang na sa barko at iba pang land-based workers na may kontratang mababa sa isang taon.
Ang salaping idinaan sa mga bangko ay umabot sa US$ 2.2 bilyon noong Enero na kumatawan sa 8.6% na kaunlaran. Ang padalang salapi ng mga land-based workers ay umabot sa US$ 1.8 bilyon at mas mataas ng 13.5% sa naipadalang salapi noong nakalipas na Enero ng 2016.
Ang padalang salapi ng mga magdaragat ay bumaba ng 8.3% sa mahigpit na kompetisyon mula sa mga magdaragat mula sa Asia at Silangang Europa.
Pinakamalaking halaga ang mula sa Estados Unidos, Saudi Arabia, United Arab Emirates, United Kingdom, Japan, Singapore, Hong Kong, Qatar, Kuwait, Hong Kong at Australia. Mula sa mga bansang ito ang higit sa 79% ng salaping nakarating sa Pilipinas.
Nagmula ang pinakamalaking halaga sa Estados Unidos, Singapore, Qatar at Japan. Ang remittances mula sa America ay lumago ng 9.2% at nakadagdag ng 3.0% points sa 8.6% overall growth. Ang mula sa Singapore (19.7%), Qatar (57.8%) at Japan (16.0%) ay nagtamo ng suma na 3.8 percentage points sa buong paglago ng cash remittances.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |