|
||||||||
|
||
Mga OFW, hindi na sisingilin ng terminal fee
MGA MANGGAGAWANG FILIPINO, HINDI NA SISINGILIN NG TERMINAL FEE. Nagkasundo ang mga nangangasiwa Department of Transportation at Manila International Airport Authority at mga kumpanya ng eroplano na hindi sisingilin ng terminal fee and OFWs na palabas ng bansa. Naganap ito sa Memorandum of Agreement signing sa paliparang pandaigdig ng Maynila.
REGALO umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kautusang hindi na pagbabayarin ng terminal fee ang mga manggagawang Filipino na magtutungo sa ibang bansa.
Opisyal na ang pahayag na ito sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement na nilagdaan ng Department of Transportation – Manila International Airport Authority at ng may 40 airline companies na naglalakbay sa Ninoy Aquino International Airport.
Sa ilalim ng kasunduan, mula sa huling araw ng Abril 2017, ang international passenger service charge o terminal fee na nagkakahalaga ng P 550 ay hindi na sisingilin sa mga OFW, pilgrim, mga delegado ng Philippine Sports Commission at iba pang autorisado ayon sa batas at ng tanggapan ng pangulo na maglakbay sa labas ng Pilipinas. Igagawad ang exemption sa oras na bumili ng ticket. Pagsapit ng huling araw ng Hulyo, 2017, madarama na rin ang exemption sa online purchases. Ang migrant workers ay hindi na kailangan pang pumila para makuha ang kanilang refund.
Sumaksi sa paglagda sa kasunduan si Transport Secretary Arthur Tugade.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |