|
||||||||
|
||
Melo 20170328
|
Speaker Alvarez, pinasisiyasat ang kapwa mambabatas ng Davao
PORMAL na hiniling ni Speaker Pantaleon Alvarez na siyasatin ng Mababang Kapulungan ang kasunduang namagitan sa Bureau of Corrections at isa sa pinakamalaking sagingan na pag-aari ng kapwa mambabatas na taga-Davao, na isa sa pinakamalaki ang nai-ambag sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ipinarating ni G. Alvarez ang House Resolution No. 867 na nagtatanong hinggil sa kasunduan ng Bureau of Corrections at Tagum Agricultural Development Corporation na pag-aari ni Davao del Norte Second District Congressman Antonio Floirendo, Jr.
Kapwa alyado ni G. Duterte sina Speaker Alvarez at Congressman Floirendo. Sinabi ni Alvarez na ang kontrata na nilagdaan noong ika-11 ng Hulyo, 1969 ang nagpahintulot sa TADECO na arkilahin ang pag-aaring lupain ng Bureau of Corrections na sumasaklaw sa Davao Penal Colony.
Nagkaroon ng renewal ang kontrata noong Mayo 21, 2003 at nagbigay sa BuCor ng garantisadong taunang bahagi ng higit sa P 26 na milyon na madaragdagan ng 10% sa bawat 10 taon.
Ani G. Alvarez, ang saklaw na lupain ay higit sa 5,300 ektarya sapagkat ang lease contracts sa pook ay umaabot sa P 25,000 sa bawat ektarya. Nababawasan ang kita ng pamahalaan ng may P 106 milyon taun-taon. Binanggit din ni Alvarez na ang mga kawani ng TADECO ay pinagmamalupitan at 'di nababayaran ng tama.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |