|
||||||||
|
||
weberrenzhuan.mp3
|
Mga kaibigan, ngayong gabi ipagpapatuloy natin ang pagkakabay sa mundo ng China Folk Music. Para ngayong gabi, pag-uusapan naman natin ang folk music sa dakong hilagang silangan ng Tsina, ang "Er Ren Zhuan".
Ang "Er Ren Zhuan" ay tradisyonal na lokal na opera sa dakong hilagang silangan. Ito ay isang folk opera na sumasalamin sa pagtatrabaho at pamumuhay ng mga ordinaryong mamamayan. Ang pangalan nitong, "Er Ren Zhuan" ay nangangahulugang "dalawang taong sumasayaw nang paikot. Ang Er ay dalawa; Ren ay tao; at ang Zhuan pagsayaw nang paikot. Ang pangalang ito ay maliwanag na naglalarawan sa pundamental na uri ng pagtatanghal ng Er Ren Zhuan: dalawang tao, karaniwang isang aktor at isang actress na kumakanta at sumasayaw.
Mga paintings hinggil sa Er Ren Zhuan
Ang "Pay the New Year's Call" na inimention namin sa programa as the first song, ay represantetive ng Er Ren Zhuan. Ayon sa kaugaliang Tsino, sa unang araw ng Spring Festival, ang mga tao ay bumbiisita sa mga kamag-anakan at kaibigan, at bumabati ng magandang hangarin sa isa't isa. Ang awiting ito ay naglalarawan sa masayang tagpong ito.
Ang estilo ng Er Ren Zhuan ay maingay at maliwanag, masaya at katangi-tangi, at mayroong malakas na panlasa ng buhay sa probinsya. Dahil ang Er Ren Zhuan ay sining na nagmumula sa pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan, ang paglalarawan ng mga tagpo sa buhay ay mahalagang bahagi ng musikang ito. Halimbawa, ang awiting "Going Home." Isinasalaysay nito ang kuwento ng pag-uwi ng isang batang mag-asawa sa bahay ng magulang ng babae - masaya, at mainit.
Ang Er Ren Zhuan performance sa nayon
Ang Er Ren Zhuan ay isang libangan para sa mga mamamayan, noong nakaraang panahaon, partikular na para sa mga magsasaka. Dahil dito, ang isa pang mahalagang nilalaman ng Er Ren Zhuan ay hinggil sa pamumuhay at pagtatrabaho sa bukid. Ang "The 24 Solar Terms" ay may malapit na relasyon sa trabaho sa bukid, kaya ang awiting ito ay nakakatulong sa mga mgasasaka na tandaan ang mga solar terms na ginagamit nila sa pagsasaka.
Ang tradsiyonal musikal na saliw ng Er Ren Zhuan ay Suona at Banhu, pero, sa totoong buhay, wala itong anumang musikial na saliw. Sa masayang pagtitipon ng pamilya pagkatapos ng trabaho sa bukid, halos bawat miyembro ng pamilya ay umaawit ng Er Ren Zhuan. Pero, sa mga opisyal na situwasyon, halimbawa, kasalan, iba't ibang pestibal, kadalasang itinatanghal ang mga mahabang klaseng Er Ren Zhuan, at ang nilalaman ng mga ito ay mula sa mga matandang alamat o klasikong kuwento sa kasaysayang Tsino. Halimbawa, "Pray to the Moon," ito ay isang awitin mula sa Er Ren Zhuan Opera tungkol kay "Diao Chan." Si Diao Chan ay isang kilalang babae sa ancient China, at siya ay isa sa "Apat na Pinakamagagandang Babae sa Sinaunang Tsina." Ang kanyang kuwento ay napapaloob sa nobelang "The Romance of the Three Kingdoms." Ang awiting "Pray to the Moon" ay naglalarawan ng tagpo kung saan siya ay humihiling sa buwan sa hating-gabi.
Ang Er Ren Zhuan sa stage
Minamahal ng mga tagaDongbei ang Er Ren Zhuan. May kasabihan ang mga taga-Hilagang-silangan ng Tsina, "ipagpapaliban ko ang pagkain, makapakinig lang ng Er Ren Zhuan." Sa puso ng mga taga-Hilagang-silangan, o Dongbei sa wikang Tsino, ang Er Ren Zhuan ay mahalagang libangan at ito ay mainam na kabayaran sa kanilang mahirap na trabaho, at di-mai-aalis na bahagi ng kanilang araw-araw na pamumuhay.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |