![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Melo 20170516
|
Tsina, may salapi at nais tumulong
SINABI ni Pangulong Rodrigo Duterte na may salapi ang Tsina at nais tumulong sa mga kalapit-bansa.
Ito ang kanyang sinabi sa press conference na idinaos bago nag-ikatlo ng madaling araw kanina sa Davao City. Ipinaliwanag niyang nais ng Tsina na magkaroon ng payapang rehiyon sapagkat sa pananatiling mapayapa ng rehiyon, higit na makikinabang ang Tsina.
Maluwag umano sa salapi ang Tsina at mayroon nang RMB 100 milyon at magkakaroon pa ng karagdagang RMB 500 milyon sa mga susunod na buwan. Ibinalita rin niyang nagkaloob ang Tsina ng dalawang tulay na itatayo sa Pasig River upang maibsan ang mabagal na daloy ng trapiko sa Metro Manila. Umaasa siyang kikilos ang magkabilang-panig bago matapos ang taon upang magkatotoo ang proyekto.
Sa tanong nagkakatotoo na ang mga nilagdaang mga kasunduan ng Pilipinas at Tsina noong nakalipas na Oktubre, sinabi ni G. Duterte na idaraan ng Tsina ang salapi sa mga bangko.
Masisimulan ang mga proyekto sa oras na ianunsyo ng pamahalaan ang pagsusubasta ng mga proyekto.
Samantala ang mga micro, small at medium enterprises ay makatatanggap ng salapi mula sa mga bangko at kailangan lamang silang makipag-ugnayan sa Department of Trade and Industry.
Nakakabawi na rin ang sector ng pagsasaka sapagkat nakapagpapadala na ang Pilipinas ng saging sa Tsina at bibilhin nilang lahat ang maipadadala ng Pilipinas sa kanila.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |